Sam Milby, Galit sa Kapamilya?


Share



Regalong pampamilya ang handog ng rockoustic heartthrob na si Sam Milby ngayong Sabado (Nobyembre 17) sa Christmas countdown special ng top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na 'Wansapanataym.' Sa episode na pinamagatang ‘I’ll Be Home for Christmas,’ gagampanan ni Sam ang karakter ni Carl, isang lalaking nais nang ibaon sa limot ang alaala ng kanyang pamilya.

Dahil sa kanyang mapait na nakaraan, nagdesisyon si Carl na ibenta ang bahay na ipinamana ng kanyang mga magulang upang makalimutan niya ang mga ito. Matutunan kaya ni Carl na magpatawad at muling buksan ang kanyang puso kapag ipinakita sa kanya ng iba’t ibang tao ang importansya ng pagiging bahagi ng isang pamilya?

Makakasama ni Sam sa ‘I’ll Be Home for Christmas’ episode sina Empress, Kathleen Hermosa, Alex Castro, Joonee Gamboa, JM Briones, Nathaniel Britt, Annica Tindoy, Susan Campos, at Giovannie Baldesseri. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Malu Sevilla. Huwag palampasin ang maagang pamasko ng CMMA Best Children and Youth Program, 'Wansapanataym' ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng 'Kapamilya Deal or No Deal' sa ABS-CBN.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS