Nora Aunor & Brillante Mendoza Nagwagi sa 6th Asia Pacific Screen Awards (APSA) Para sa Pelikulang 'Thy Womb'


Share



Di pa rin talaga kumukupas ang kinang ng husay sa pag-arte ng nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor.

Ngayong araw lang ay muling nag-uwi na naman siya ng karangalan para sa ating bansa. Siya ang tinanghal na Best Actress sa 6th Asia Pacific Screen Awards (APSA) para sa inaabangang pelikula niyang 'Thy Womb (Sinapupunan)' na isa sa mga official entries sa darating na 2012 Metro Manila Film Festival.

Nag-uwi din ng karangalan ang napakagaling na direktor ng pelikula na Brillante Ma. Mendoza. Siya ang tinanghal na Best Director ng APSA para sa taong ito.

Kasalukuyan namang ginaganap ang premiere night ng pelikula sa may SM Lanang Premier. Ngayon pa lang di na ako makapag-antay na mapanood ang isa na namang obra ng pelikulang Pilipino. Mabuhay ang pelikulang Pilipino.

Photo by Thy Womb


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS