Iza Calzado Out, Isabelle Daza Pasok na sa 3rd Sarah - John Lloyd Movie


Share



Oh yes! That's Laida! She is back ngayong paparating na Valentines Day! At siyempre makakasama niya si Miggy! Ayeeee! Kilig na naman ito.

Tuloy na nga ang 3rd installment ng 'Very Special Love' film series na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Kalagitnaan ng 2012 ay nagsimula itong mag-shooting na nabahagi ko rin rito kung saan nakasama nila ang bagong Kapamilya na si Iza Calzado. Pero natigil ang shooting dahil napagdesisyunan "yata" ng Star Cinema at Viva Films na gawin muna ang ikatlong pelikula nina Sarah at Gerald Anderson pero maski ito ay natigil pero ang nagpatigil di umano nito ay ang mum ni Sarah na si Mommy Divine. Di nga kasi boto si Mommy Divine kay Gerald para sa anak niyang si Sarah kaya ayun para di matuloy ang relasyon ng dalawa ay pinatigil niya nga ang shooting.

So, nag-resume ang shooting ng pelikula nina Sarah at Lloydie na 'It Takes a Man and a Woman' pero nagkaroon na naman ito ng kontrobersiya dahil sa pagkatanggal ni Iza.

Ayon sa aking nasagap, ang schedule ni Iza at ang pagiging mas mukhang matanda nito kina Lloydie at Sarah ang dahilan para alisin sya sa pelikula at ipalit si Isabelle Daza na mula sa GMA at anak ni Miss Gloria Diaz.

Kailan lang ng nawala ang sakit di umano na nadama ni Iza sa pagkatanggal niya sa proyekto. Si Isabelle ang pumalit sa kanya sa 'Eat Bulaga' nang siya ay lumipat sa Kapamilya network.

Photo by U8668-D


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS