Direk Wenn Pinagtanggol si Aiai delas Alas sa Pagkakaroon Nito ng Gwapo at Batang Boyfriend


Share



Kaninang umaga napanood sa talk show na 'Kris TV' ang Comedy Concert Queen na si Ms. Aiai delas Alas at ang kanyang bagong kasintahan, hmmmm... napakasarap at napakagwapo na kasintahan at take note bata pa.

At as usual marami na namang Pinoy ang nag-react sa pagkakaroon ng bata at gwapong boyfriend ni Ms. Aiai. Inisip ng ilan na pera o kaya gusto pumasok nito sa showbiz ang dahilan kaya pumatol ito kay Ms. Aiai pero binigyang linaw ng kaibigan ni Ms. Ai na si Direk Wenn na di pera o pagpasok sa showbiz ang naging dahilan, aniya:

Napakayaman din po nung lalaki, may Ari lang naman ng Hyundai bandang south, pwede naman sigurong nagandahan kay Aiai, o kung hindi ka man nagagandan, pwedeng nababaitan kay Aiai, dahil talaga namang mabait na tao un, Kaya nga Sinuswerte lagi!

Sana maalis sa kultura natin na porket mas bata ang kasintahan ay pera na agad ang hangad nito, di ba pwedeng tunay na pag-ibig lang talaga. Anyways, may pelikula sina Ms. Kris Aquino, Ms. Aiai at Vice Ganda sa darating na December 25 ang 'Sisterakas.' Makakasama nila diyan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla mula sa direksiyon ni Box-Office Director Wenn Deramas.

Photo via ABS-CBN.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog! xX

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS