CONFIRMED: Jericho Rosales Kasama na sa Teleseryeng 'Against All Odds'


Share



Oh yeah! Kasali na nga sa cast ng Kapamilya teleserye na 'Against All Odds' si Jericho Rosales.

Idinagdag sa cast ang character ni Echo dahil daw di ganun ka-bongga ang naging chemistry nina Sam Milby at Judy Ann Santos. Dagdag pa raw ay ang di magandang acting performance ni Sammylicious sa nasabing upcoming teleserye. Medyo disappointed daw ang production sa performance ni Sammy licious mula ng umuwi ito mula sa New York. Ang 'Against All Odds' ang first primetime teleserye ni Sammylicious matapos ng ilang taong di ito napapanood sa primetime TV.

Sa pagpasok ni Echo ay lalo pa daw titindi ang mga eksena at lalo pa raw gumanda ang story!!! Sa ngayon ay nakahinto ang taping ng serye dahil sa pagiging busy ni Juday na kasalukuyang nagsushooting ng isang pelikula na kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival at andyan din ang pagiging host nya ng 'MasterChef Pinoy Edition.'

Di tinuloy ng management ang dapat sanang pagsasa-ere nito noong October at di naman ito ikinainis ni Juday, natuwa pa nga siya na di nila kailangan magmadali sa pagtitaping.

Ang 'Against All Odds' ay pinagbibidahan nina Judy Ann Santos, Jericho Rosales, KC Concepcion at Sam Milby kasama rin sina John Estrada, Mylene Dizon, Tirso Cruz III, Bryan Termulo, Jessy Mendiola, at Ms. Coney Reyes. Nakatakda itong ipalabas next year.

UPDATE: Ayon sa manager ni Sam na si Mr. Erickson Raymundo ay walang katotohanan na ang acting performance ni Sammylicious ang dahilan kung bakit napasama sa cast si Echo. Thanks!

Photo via ABS-CBN.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS