Angel Locsin & Coco Martin Magsasama sa Mini-Seryeng 'Juan dela Cruz'


Share



Ngayong 2013, makikilala natin si 'Juan dela Cruz.' Ang 'Juan dela Cruz' ay isang mini-serye na produced ng Cinemedia Films Production Inc. (Deo Endrinal) at ABS-CBN.

Ang proyektong ito ay sinali ng production company ni Deo Endrinal sa Metro Manila Film Festival pero di pumasa ang script nito kaya nagdesisyon na lang sila na ipalabas na lang ito sa TV.

Ang mini-serye ay pagbibidahan nina Angel Locsin, Coco Martin, Gina Pareno, at Mylene Dizon mula sa direkyon ni Malu Sevilla.

Ito ang kauna-unahang pagsasama nina Angel at Coco sa iisang proyekto na alam naman nating mga dekalibreng artista. Ito rin ang unang pagsasama nina Deo at Angel sa isang proyekto. Ang Cinemedia Films Production Inc. ay ang production sa likod ng 'Agimat' series at ang pagbabalik ng 'Wansapanataym' at isa rin ito sa mga producers ng 'Segunda Mano' na pinagbidahan nina Kris Aquino at Dingdong Dantes na sinali naman sa MMFF last year.

Photo by ABS-CBN.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    March 31, 2013 at 7:49 PM | Permalink

    I am curious to find out what blog system you have been working with?

    I'm experiencing some minor security issues with my latest blog and I would like to find something more secure. Do you have any solutions?

    my web site - http://provacylreview.org/

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS