'The Amazing Race Philippines' Yayanigin ang Primetime Simula Lunes sa TV5


Share



Mapapanood na ng milyon-milyong Pilipino ang pinaka-matagumpay at pinaka-pinarangalang reality show ng mundo, ang The Amazing Race,' simula Lunes (Oktubre 29) sa TV5. Kasama ang host na si Derek Ramsay, labing-isang team ang mag-uunahan para sa titulong “First Amazing Race Philippines Winners” at PhP 2 milyong grand prize.

Kaabang-abang ang bawat paglalakabay ng mga team dahil bagama’t nagpapaunahan ang mga kalahok na makaabot sa kanilang destinasyon, para na rin silang namamasyal dahil sa nakabibighaning lugar na mapupuntahan nila sa iba’t ibang isla ng Pilipinas.

Ang 11 teams na maglalaban sa TARP ay ang mga sumusunod: ang celebrity best friends na sina LJ Moreno at CJ Jarabata, magbayaw na Dayal Chowdary, Jr. at Fausto Reyes, gym buddies na sina Marc Duñgo at Kat Tan, amigas na sina Jervi Lisaba at Saida Diola, reunited friends na sina Sheena Vera Cruz at Gee “Speedy” Canlas, Alabang housewives na sina Pam Spella at Vanessa Ishitani, mag-amang Ed at Angel Movido, mag-kumpareng Boom Vergara at Cheng Enriquez, football brothers na sina Armand at Anton del Rosario, alpha femmes na sina Dani Castano at Mish Van Ruyven, at ang magkasintahang sina Crystel Castro at Mykey Lacson.

Katuwang ng TV5 sa mismong pagbuo ng programa ang ActiveTV, ang production company sa likod ng Emmy-nominated at two-time Asian TV Awards winner na 'The Amazing Race Asia.'

Subaybayan ang pagsubok na pagdadaanan ng 11 teams Lunes hanggang Biyernes pagktapos ng 'Wil Time Bigtim'e at tuwing Sabado pagkatapos ng 'Talentadong Pinoy Worldwide' sa TV5.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS