'Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay' Exclusive na Mapapanood sa SM Cinema


Share



Unang ipinalabas sa ika-pitong Cinema One Orginals Film Festival, ibinabalik ng Cinema One ang minahal na “Dakilang Extra” na si Lilia Cuntapay sa pamamagitan ng award-winning na 'Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay' na ipapalabas sa mga SM Theaters simula October 31.

Ipinapakilala sa matagumpay na pelikula ang buhay ni Cuntapay bilang isang extra sa horror kung saan gumaganap siya bilang aswang at kung ano-ano pa. Ayon sa writer-director ng pelikula na si Antoinette Jadaone, nais niyang ipakita kung sino ba talaga si Cuntapay sa labas ng nakakatakot na makeup. “Tungkol ito sa ups and downs ng buhay ni Lilia,” ani Jadaone.

“Sinabi ko kay Nanay Lilia ng klaro na hindi siya gaganap bilang aswang o white lady dito sa halip ay gaganap siya bilang ang tunay na Lilia Cuntapay,
” dagdag pa niya.

Napanalunan ni Cuntapay ang Best Actress award sa Cinema One Originals awards habang inuwi rin ng pelikula ang Best Screenplay, Best Editing, Audience Choice Award, Special Jury Prize at Best Supporting Actress para kay Geraldine Villamil.

Ang 'Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay' ang unang full-length film ni Jadaone at ito rin ang unang beses na hindi gumanap si Cuntapay sa pelikulang katatakutan.

Ayon sa review na isinulat ni Karen ng audreymagazine.com, “Patatawanin at pasasayin ng Six Degrees ang mga manonood. Napaka-natural ng ipinakita rito ni Cuntapay at talaga namang nakaka-aya siya.” Naging matagumpay din ang pelikula sa film fests sa Italy at South Korea.

Kilalaning mabuti ang sikat na white lady sa mga horror films sa 'Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay' ipapalabas sa SM Megamall, SM North Edsa, SM Fairview, SM Mall of Asia, SM Southmall, SM Manila, SM Marikina, SM Sta. Mesa, at SM Bacoor simula October 31.
Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS