Si Slater Young ba ang Magbibida sa Pinoy Version ng 'My Girlfriend is a Gumiho'


Share


Ilang buwan ng kumakalat sa mga iba't-ibang blogs, facebook pages, and fora ang balitang magkakaroon ng Philippine remake ang hit Korean drama series na 'My Girlfriend is a Gumiho' sa ABS-CBN.

Ayon pa sa kumakalat chika ang mga Kapamilya stars na sina Alodia Gosiengfiao at Slater Young ang magbibida di umano sa Pinoy version. Ang chika ay nagsimula ng makita nila ang larawan na ito


Ang nasabing photo ay halos kapareho (ayon sa mga Gumiho fans) sa photo na ito ng dalawang bida ng Korean version.


Natuwa ako sa chika na ito kasi una mas maganda at gwapo sina Alodia at Slater sa mga naging bida sa original versions (sorry sa mga fans ng mga bida ng original version). Nang makita ko ang picture ay nakita kong may chemistry na ang dalawa at bagay kay Alodia ang maging Gumiho dahil isa siyang Cosplayer, at naisip kong challenging ang role para kay Slater pero excited to see him sa ganung character.

This week lalo pang lumakas ang chika na tuloy na tuloy na nga ang pagbibida ng dalawa kaya minabuti kong tanungin si Slater. I sent him a DM kanina sa Twitter. at eto ang naging sagot ng gwapong Big Winner:


Hi byx.. Ang daming nag tweet sa akin about it pero rumor lang yun. Walang ganyan na project as of now. Sana maging totoo though. Haha

Awwww... Isa rin kayo sa nalungkot sa naging pahayag ni Papa Slater, I'm sure maraming Korean Wave fans ang nalungkot. Pero siyempre optimistic tayo na sana nga sa kanila mapunta ang show na ito if ever may Pinoy version.

Ang Korean version ng 'My Girlfriend is a Gumiho' ay napanood dati sa ABS-CBN.

Photo 2 via koreandrama.org

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS