Pagpasok nina Kim Chiu & maja Salvador Nagpataas ng Ratings ng 'Ina Kapatid Anak'


Share



Mainit na tinutukan ng buong sambayanan ang pinakahihintay na paglabas nina Kim Chiu at Maja Salvador bilang sina Celyn (Kim) at Margaux (Maja) sa pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na 'Ina Kapatid Anak.'

Patunay dito ang datos ng Kantar Media noong Biyernes (Oktubre 12), kung kailan namayagpag ang episode bilang top 4 most-watched TV program nationwide ang 'Ina Kapatid Anak'” taglay ang 27.4% national TV ratings, o halos 14 puntos na kalamangan kumpara sa nakuhang 13.5% ng katapat nitong kalulunsad ring programa sa GMA na 'Coffee Prince.' Ngayong malalaki na sina Celyn at Margaux, panahon na ba upang magkrus ang kanilang landas at malaman ng bawat isa ang katotohanan tungkol sa nawawalang anak nina Beatrice (Janice de Belen) at Julio (Ariel Rivera)? Sino nga bang anak ang mas may karapatan sa pamilya at pangalan—si Celyn na nawalay sa kanyang mga magulang, o si Margaux na pilit pumupuno sa naramdamang kawalan nina Beatrice at Julio?

Patuloy na tutukan ang kuwento ng pakikipaglaban para sa karapatan, 'Ina Kapatid Anak,' gabi-gabi, pagkatapos ng 'Walang Hanggan' sa ABS-CBN Primetime Bida.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS