Kilalanin ang mga Celebrity na Kasali sa Amazing Race Philippines!


Share


Hindi pa man ina-anunsyo kung sino-sino ang magiging bahagi ng The Amazing Race Philippines,' may alingasngas na sa mga celebrity na kalahok sa programa. Ayon sa aming kausap, sa ngayon ay tanging si Derek Ramsay muna (na siyang magiging host ng programa) ang maaari niyang pangalanan dahil mahigpit daw talaga ang producers ng Race lalo pa nga’t sila rin ang produksyon na nasa likod ng Emmy-nominated at Asian TV Awards-winner na The Amazing Race Asia.


Sino itong beauty queen na dahil sa kakaibang ganda, siguradong aabangan ng kalalakihan? Natural ang kanyang kaseksihan kaya kamakailan ay naging cover siya ng sikat na men's magazine. Ang dalagang ito ay aktibo sa track and field, muay thai at boxing.


Sino naman ang sporty pares na sigurado titilian ng mga kababaihan? Isa sa kanila ay nagpaka-"daring" sa nakaraang fashion show ng kilalang magazine. Dagdag pogi points talaga ang involvement ng dalawang hunk na ito sa isport na nagsisimula nang makilala sa bansa.


Isa pa raw dito ang magandang dancer mula sa isang pang-tanghaling dance group na minsan nang na-link ang pangalan bilang third party sa hiwalayan ng isang high-profile couple sa showbiz. Naging kontrobersyal naman ang paglisan niya sa noontime show late last year dahil isa siya sa pinakahinahangaan at inaabangan sa kanilang grupo. Marami ang nanghihinayang dahil mahigit limang taon din siyang naging bahagi ng programa. Pero ayon sa kanya, isang career move ang kanyang pagre-resign dahil gusto niyang patunayan sa kanyang sarili na higit pa sa pagsasayaw ang talent na kaya niyang ipakita.


Ibinahagi naman ng aming kausap na isa sa pares ay dating VJ at ngayon ay aktibong napapanood sa iba’t ibang guesting sa TV. May kakaibang talento raw ang nasabing celebrity na lubos na ikakahanga ng mga manonood. Kapares niya ang kanyang matalik na kaibigan na isang dancer-choreographer mula sa isang internationally-recognized Pinoy hiphop dance group. Isang magandang pagkakataon daw ang TARP para muling manumbalik ang nagkalamat na pagkakaibigan ng dalawa matapos lisanin ng VJ-TV personality ang kanilang dance group.


Ibinahagi naman ng aming kausap ang clues tungkol sa katauhan ng isang pares na kalahok sa programa. Isa rito ang isang aktres na ngayon ay mas priority na ang kanyang sinisimulang business at kanyang pamilya kasama ang asawa na isang sikat na basketball player.

Makakapareha niya sa programa ang kanyang best friend na aktibo rin ngayon sa showbiz. Lingid sa kaalaman ng iba, single mom pala ang naturang aktres at itinataguyod ang kanyang anak sa kanyang pagsho-showbiz.

Paglilinaw naman ng kausap namin, mahigit 1/3 lang ng mga pares sa TARPang itinuturing na celebrity at karamihan dito ay pangkaraniwang tao. Exciting at balance raw ang mix ng mga kontestant ng programa na malapit nang mapanood sa TV5.

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS