Kasalang Katerina-Daniel sa 'Walang Hanggan' Humataw sa TV Ratings


Share



Sinaksikan ng buong sambayanan ang ‘phenomenal wedding’ ng mga karakter nina Coco Martin at Julia Montes sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na 'Walang Hanggan.' Patunay dito ang datos ng Kantar Media noong Lunes (Oktubre 15) kung kailan humataw ang nasabing Daniel-Katerina wedding episode ng 38.3% national TV rating o halos triple ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na 'Luna Blanca' na nagtamo ng 12.9%.

Samantala, bilang pasasalamat sa TV viewers, kasado na ang back-to-back na engrandeng pasasalamat na handog ng 'Walang Hanggan' para sa kanilang loyal fans sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Makikipagbonding sa libo-libong Davaoeños ang eternal love team nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ngayong Sabado (Oktubre 20), 4pm, sa open parking lot ng Abreeza Mall sa Davao City. Sa parehong araw, magdadagdag-kulay sa magarbong Maskara Festival sina Coco Martin, Julia Montes, Paulo Avelino, Melissa Ricks, at Joem Bascon. Gaganapin ito sa Gaisano Grand Mall Bacolod City, sa ganap na 3pm.

Handang-handa na rin naman ang de-kalibreng cast ng 'Walang Hanggan' para sa ‘Walang Hanggang Pasasalamat’ grand concert na gaganapin ngayong Linggo (Oktubre 21), 6pm, sa Smart Araneta Coliseum. Makakasama ng buong cast sa concert ang mga special guest na sina Kris Aquino, Gary Valenciano, Vice Ganda, Boy Abunda, Toni Gonzaga, Richard Yap, Christian Bautista, Erik Santos, Jed Madela, Juris, Aiza Seguerra, Bryan Termulo, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, at ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra na pamumunuan ni Maestro Gerard Salonga.

Patuloy na tutukan ang huling dalawang linggo ng 'Walang Hanggan' gabi-gabi, pagkatapos ng 'Princess and I' sa Primetime Bida ng ABS-CBN
Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS