HD Version ng Pelikulang 'Himala' Mapapanood sa mga Sinehan


Share



Naalala ninyo ba ang na-tweet ko isang buwan na ang nakaraan? Doon sa tweet ko nabanggit ko na pinaganda ng ABS-CBN ang video quality ng classic film na 'Himala' at nabanggit ko din doon na laking pasasalamat ni Nora Aunor sa ginawang ito ni Charo Santos-Concio.

Ngayong araw, nilabas ng Star Cinema ang trailer ng 'Himala' (Restored Version HD) na mapapanood sa piling mga sinehan simula December 5.

Ang 'Himala' ay na sinulat ng award-winning writer Ricky Lee at mula sa direksiyon ng award-winning director and national artist Ishmael Bernal.

Ang pelikulang ito na pinagbibidahan ni Ms. Nora Aunor ay nagkamit na ng di mabilang na parangal dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

2008 WINNER - Best Asia-Pacific Film Of All Time, CNN and Asia Pacific Screen Awards
1983 WINNER - Bronze Hugo Prize, Chicago International Film Festival
1983 OFFICIAL SELECTION GOLDEN BEAR AWARD - Berlin International Film Festival

Unang napanood ang digitally restored version ng 'Himala'

Ayon kay Leo Katigbak, head ng ABS-CBN Film Archives, ang ilan pa sa classic Pinoy films na i-rerestore in HD quality are: Peque Gallaga's “Oro, Plata, Mata”, and a number of Star Cinema films including Olivia Lamasan’s “Maalaala Mo Kaya” and “Madrasta”; Laurice Guillen’s “Tanging Yaman”; Rory Quintos’ “Anak”; Marilou Diaz-Abaya’s “Bagong Buwan”; and Chito Roño’s “Dekada ’70.”

Ngayong buwan mapapanood sa ABS-CBN ang 'Maalaala Mo Kaya (HD)' na produced ng Star Cinema. In fairness sa ABS-CBN, may pagmamahal sa ating mga classic films, hinde nila pinabayaan ang mga kopya nito.

Narito ang HD trailer (watch it in HD format) at masasabi ninyong meron ngang HIMALA!


With Reports from ABS-CBNNews.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS