Final 3 ng 'X Factor Philippines' Kakanta ng 2 Songs & Bamboo Guest sa Grand Finals


Share



Ngayong weekend na nga magaganap ang pinakaabangang Final Showdown ng Final 3 acts ng first ever season ng nangungunang talent show ng bansa ang 'The X Factor Philippines.'

Sino nga ba sa Final 3 na sina KZ Tanbdingan (Charice's Girl), Daddy's Home (Gary Valenciano's Group) at Gab (Martin Nivera's Boy) ang nagtataglay ng pinakamatinding X Factor na mananalo ng 4 Million Pesos at pangtapat natin sa mga winners ng ibang 'X Factor' versions sa buong mundo.

Sa Sabado, magaganap ang Final Performance Night, di gaya sa ibang version, walang result na magaganap sa unang gabi ng Finale, o walang matatanggal sa Final 3. Bawat isa sa kanila ay dalawang beses magpeperform. Wala ng themes pero ang isang song nila ay makakaduet nila ang isang surprise singer habang angv isang song naman nila ay solo silang magpeperform.


Sa Linggo naman magaganap ang Final Results Show, kung saan makikilala na natin ang First Grand Winner ng 'The X Factor Philippines.' Hinde gaya ng ibang versions ng franchise, Final 3 at hinde Final 2 sa ikalawa at huling gabi ng Grand Finals at di na muling magpeperform para sa contest proper ang mga finalists.



Sa 2-Part Grand Finals ng talent show ay makakasama nila ang ilang singers ng ating bansa na naagtataglay rin ng X Factor: Lani Misalucha, Vina Morales, Nina, Rico J, Bamboo, Jovit Baldivino, Erik Santos, Jed Madela, Yeng Constantino, Angeline Quinto, April Boy Regino, Pooh, at K Brosas. Dagdag pa diyan ang pagtatanghal ng four mentor-judges ng season na ito na sina Gary valenciano, Martin Nievera, Charice, at Ms. Pilita Corrales!

#XFactorPHFinale ang official hashtag sa Sabado at para makaboto just text XF KZ, XF GAB o XF DAD and send it to 231 or 2331 or go to vote.abs-cbn.com

Photo by ProjectZero


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS