Book Trailer ng Filipino Edition ng 'The Hunger Games'


Share



Mula sa pagbibigay ng mga di malilimutang mga Pocketbooks sa Precious Hearts Romances, handog ng Precious Pages sa pamamagitan ng Precios Young Adult ang mga Filipino edition o Tagalized versions ng mga best-selling novels ng mga kilalang authors ng mundo.

Ang bago sa mga best-selling novels na nasalin sa salitang Tagalog ay ang epic trilogy ng 'Hunger Games.' Available na nga sa Precious Pages ang Filipino Editions ng 'The Hunger Games,' 'Catching Fire,' at 'Mockingjay' na sinulat ni Suzanne Collins.

Ayon sa Precious Page:

Para sa lahat ng readers. Ilang taon na rin akong nagta-travel sa iba't-ibang bansa kasama na ang Europe at US. Sa Europe at sa ibang parte ng Asia, kapag pumapasok ako sa kanilang book stores napapansin kong hindi lamang English version ng original bestsellers ang naroon, kundi lagi nang may translated version ng kanilang local language. Sa France halimbawa, kapag nagtungo ka sa kanilang book store may English at sa tabi nito'y may French. Ganoon din sa Italia, Germany, at maging sa Hongkong ay mayroong translated Italian, German, and Mandarin respectively. Naisip ko, dito sa Pilipinas bakit hindi? Sa France, Germany at ang iba pang mayayamang bansa ay nagbabasa naman sila ng English pero sa kanilang book stores ay laging may translated version sa sarili nilang lengguahe. Ano ang gusto kong tukuyin? Gusto lamang bigyan ng PRECIOUS PAGES ng choice ang reader dito sa atin—gusto mo bang basahin ito sa wikang Ingles? Kung sa Filipino ang gusto mo ay heto at inihahain namin sa inyo. Maaaring naninibago kayo pero, gusto ko lamang ipaalala sa inyo na noon pa man ay binigyan na dapat ng choice ang mga Filipino kung saan ba niya gustong basahin ang bestseller na nobela, gaya ng kina Sidney Sheldon, Nora Roberst, at marami pang authors na kilala sa buong mundo.

At sa aking pakikisalamuha sa mga readers, marami ang nagbabasa ng Ingles. Mayroon din naman sa Tagalog lamang. At mayroon ding nagbabasa ng parehong Ingles at Tagalog. Lahat kayo ay aking hinahangaan. Uulitin ko lamang na ang PRECIOUS PAGES ay binibigyan kayo ng pagkakataong mamili—sa Ingles o sa Tagalog.

Sa kasulukuyan ay patuloy na sinushoot ang ikalawang pelikula sa 'Hunger Games' trilogy ang 'The Hunger Games: Catching Fire' ito ay kasunod ng matagumpay na pagpapalabas ng 'The Hunger Games' noong Marso na naging pinakamalaking pelikula ng Lionsgate.

Narito ang Book Trailer ng 'The Hunger Games' (Filipino Edition)

Source: Precious Page
Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS