Ang Teen Star na Gumaganap na Florante/Inigo sa 'Be Careful With My Heart'


Share





Marami ang nagtatanong sa akin kung sino yung bagong cutie guy sa nangungunang daytime show ng bansa ang 'Be Careful With My Heart.'

Una siyang napanood sa nasabing hit kilig serye sa 'Florante at Laura' scene kung saan gumanap siya na Florante na kapareha ni Laura (siyempre) na ginanapan naman ni Nikki, na anak na Ser Chief (yes, ganyan talaga ang spelling, blame Maya).

Nakilala siya sa campus nila Nikki bilang Florante dahil sa naging papel niya nga sa stage play. Itong si Florante ay may gusto at nanlilugaw kay Joey na kaibigan ni Nikki at iniirog ng puso ni Luke.

Kanina sa 'Be Careful With My Heart' pinakilala siya bilang si Inigo pero sino nga ba ang teen star na gumaganap rito?

Siya ay si Marc de Leon. Una ko siyang nakilala noong summer, at naging parte siya ng isang Kapuso show noong nakaraang Holy Week.

Photo 1 by JJAD Photography


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS