‘AFFAIR’ NI JOHN LLOYD AT BEA, ILALANTAD SA “ASAP 2012″


Share



Beautiful family day ang handog ng 'ASAP 2012' ngayong Linggo (Oktubre 14) dahil ilulunsad na ng most admired love team nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang kanilang pinakapinananabikang Primetime Bida teleseryeng A Beautiful Affair” kasama de-kalibreng powerhouse cast nito.

Bukod sa beautiful treat nina John Lloyd at Bea, dagdag kilig naman ang grand launch ng isa pang upcoming Kapamilya Gold drama series na “Paraiso” na pangungunahan nina Matteo Guidicelli, Jewel Mische, at Jessy Mendiola.

Hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ng talento ang Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz, Dom Roque, at Francis Magundayao ng “Aryana;” Jerome Ponce at Janella Salvador ng “Be Careful With My Heart;” Miles Ocampo at Marco Gumabao ng “Luv U;” at Kathryn Bernardo ng “Princess and I” na may inihandang espesyal na production number.

Samantala, world-class talent naman ang muling masasaksihan sa ASAP concert stage sa hindi dapat palampasing collaboration ng “X Factor Philippines” judges and mentors na sina Gary Valenciano at Charice; na susundan ng nakamamanghang production number ng Brewer Boys ng “X Factor USA” kasama ang international Pinoy RnB sensation na si Billy Crawford.

Walang tigil ang selebrasyon sa ASAP centerstage sa back-to-back-to-back birthday bash para kina Ultimate Showgirl Vina Morales, Prince of Pop Erik Santos, at multi-awarded actress na si Maja Salvador. Makisaya at maki-party rin sa birthday blowout ni Sam Concepcion kasama sina Anja Aguilar, Devon Seron, at Tippy Dos Santos; at ni Paulo Valenciano kasama ang ASAP Covers na sina Sam Milby, JM de Guzman, Zia Quizon, at Yeng Constantino.

Patuloy na mapamangha sa talento ng mga Pinoy sa makatindig-balahibong musical spectacle nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Jed Madela, at Angeline Quinto; at sa malupit na concert extravaganza na ihahandog ng ASAP Sessionistas.

Abangan din ngayong Linggo ang tapatan ng pinaka-‘pop-boritong’ dance moves sa makapigil-hiningang ASAP Supahdance showcase nina Kim Chiu, Cristine Reyes, Enchong Dee, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, Empress, Nikki Gil, Karylle, Iya Villania, at Rayver Cruz.

Makikanta, makisayaw, makisaya at maki-showdown sa “ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS