'X Factor Philippines' Top 5 to Sing Revivals This Week


Share



Songs ng 2 sa pinakisat na banda sa Pilipinas ang Eraserheads at Rivermaya ang themes ng 7th Live Show ng 'The X Factor Philippines' noong Sabado. At pagdating ng Linggo, pinag-usapan ng husto ang naging resulta ng 7th Result Show dahil sa pagkatanggal ng pinakakontrobersyal na contestant ng season na ito na si Kedebon.

Bibigyan ng sariling panlasa at buhay ng final five ang mga awiting ni-revive na ng mga sikat na international at local artists ngayong Sabado (Sep 22).

Tatapatan ni Jeric Medina ang isang sikat na revival mula sa South Border habang ang kasamahan sa Boys na si Gabriel Maturan ay bibirahin ang isang Paolo Santos hit. Susubukan namang kabugin ni Allen Sta. Maria at KZ Tandingan ng Girls ang mga awitin mula sa musical TV show na 'Glee' at ni Adele habang itatayo naman ng Daddy’s Home ang bandera ng Groups sa pamamagitan ng isang awitin mula sa Side A.

Ito na ang huling linggo na magagamit na ng apat na judges ang kanilang kapangyarihang magpaalis ng conestant dahil next week ay Semi Finals na kung saan wala ng bottom 2, wala ng final showdown dahil kung sino ang may pinakamababang boto ang tuluyan lang magpapaalam. Yes, tanging boto na lang ng taong bayan ang pagbabasehan sa Semi at 2-Part Live Grand Finals.

Sino ang pauuwiin at sino ang mananatili sa pag-asang maging susunod na multimedia superstar? Dalawang linggo na lang at magaganap na ang pinakaabangang musical showdown ng final three sa grand finals ng kumpetisyon sa Oct 6 at 7.

Para hindi malagay sa alanganin ang inyong idolo, siguraduhing bumoto pagkatapos ng kanilang performances sa Sabado (Sep 22). I-text lang ang XFJERIC/GAB/ALLEN/KZ/DAD at ipadala sa 2331 para sa Globe at Sun subscribers at 231 naman para sa Smart at Talk ‘n Text subscribers. Huwag nang bibitiw sa mas tumitindi pang kumpetisyon sa 'The X Factor Philippines,' kasama si KC Concepcion bilang host, tuwing Sabado, pagkatapos ng 'MMK,' at Linggo, pakatapos ng 'Sarah G Live,' sa ABS-CBN.

Eto official hash tag sa Sabado #XFactorPHRevivals
Photo via Project Zero


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS