'X Factor Philippines' Extended, May Paparating na Surpresa! PGT sa November 17 na Magsisimula


Share



Sa darating na October 6 at 7 magaganap ang pinaka-aabangang Final Showdown ng Final 3 ng nangungunang talent show ng bansa ang 'The X Factor Philippines.'

Sa 2-Part Live Grand Finals malalaman kung sino sa tatanghaling Final 3 ang may pinaka-bonggang X Factor at karapat-dapat na mag-uwi ng 4 Million Pesos at tanghaling 1st Grand Winner ng 'The X Factor Philippines' na maaaring ilaban, itapat at ihanay sa mga winners sa ibang versions ng 'The X Factor.'

Pero extended ang nangungunang reality show ng bansa dahil may mga surpresa raw para sa atin na dapat abangan sa mga susunod na araw.

Habang ang isa pang Kapamilya talent show na 'Pilipinas Got Talent' (Season 4) ay magsisimula na sa November 17. Mula sa naibalita ko noon na October ay na-move ito sa November para tamang-tama na pagpasok ng 2013 or after Christmas season ay magsisimulang umere ang Semi Finals nito kung saan magpeperform for the first time ang mga napiling acts.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

3 Comments

  • September 24, 2012 at 5:19 PM | Permalink

    NICE ONE

  • gravatar Anonymous
    September 24, 2012 at 10:59 PM | Permalink

    make sure na magugustuhan ko yan ha..hehe

  • gravatar Anonymous
    September 26, 2012 at 10:24 AM | Permalink

    X FACTOR WILD CARD?

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS