Pinoy YouTube Sensation JR Aquino Pasok sa Team CeeLo sa 'The Voice 3'


Share



Sa 4th episode ng NBC's hit talent show na 'The Voice' (USA, Season 3) na umere kani-kanina lang ay isa na namang Pinoy ang nakapasa sa Blind Audition.

Ang US-based na Pinoy YouTube sensation na si JR Aquino ang aking tinutukoy. Ang Bruno Mars song na 'Just The Way You Are' ang kinanta niya sa Blind Audition kung saan ang 3 judges na sina Christina Aguilera, CeeLo Green at Adam Levine ang nag-push ng button na nangangahulugan na gusto siya ng mga ito na mapasama sa team nila. Pero mas pinili ni JR na maging bahagi ng Team CeeLo.

Nakilala si JR dahil sa mga cover at original songs niya ilan nga rito ang kantang 'Emma Watson' at 'You and I' na ginamit na theme song sa viral hit video ng isa pang YouTube sensation na JaMich.

Last Spring season, may isa ring Pinoy ang naging bahagi ng 'The Voice' (USA, Season 3) na napunta rin sa Team CeeLo at ito nga si Cheesa Laureta pero unluckily natanggal ito sa competition.

Sa darating na Season 4 ng 'The Voice' (USA) ay sina Shakira at Usher na ang mga bagong judges na makakasama nina Adam Levine at Blake. Read more here


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    September 18, 2012 at 6:24 PM | Permalink

    The Voice US is currently on its 3rd season.

  • September 21, 2012 at 11:16 AM | Permalink

    Ang Galing ng mga Pinoy!!! Cheesa Laureta and JR panalo sa music industry, but this one I think pwede sa comedy.. hahahaha
    GALING!!!!!!!!
    http://www.youtube.com/watch?v=yKxncpfZLQc

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS