Musical Hero & Influence ang Theme ng Semi Finals ng 'X Factor Philippines'


Share



Sa October 6 at 7 na ang 2-Part Live Grand Finale ng nangungunang talent show ng bansa ang 'The X Factor Philippines' pero bago maganap yan ay kikilalanin muna natin kung sino sa natitirang 4 contestants ang papasok sa Final 3 at mag-soshowdown sa Grand Finals.

Sa Sabado at Linggo na nga gaganapin ang Semi Finals round ng talent show kung saan ang Final 4 ay kakanta ng song ng kanilang Musical Influence/Hero.

Di gaya ng UK at US versions, magkakaroon pa rin ng Judges' Vote at Deadlock sa Semi Finals ng Pinoy version, meaning may Bottom 2 pa rin at magsoshowdown ang mga ito at pagbobotohan ng mga Judges kung sino sa kanila ang papauwuin. Sa US at UK, pagdating ng Semi Finals, ang boto ng taong bayan na lang ang pagbabasehan ng Final 3. Siguro kaya di tinanggal ang Judges' Vote ay dahil baka di maging maganda ang result kaya hinayaan nila ang 4 judges ang mamili ng ikatlong act na papasok sa Final 3.

At di rin gaya sa UK and US versions, isang song lang ang i-peperform ng Final 4 sa Semi Finals. Sa US at UK, each act needs to perform 2 song from 2 different themes.

Ang 2-Part Love Grand Finale ay magaganap sa Pagcor Grand Theatre. Yes, tama ang nabasa ninyo! Kung saan ginanap ang weekly live shows ay doon din gaganapin ang Grand Finals gaya sa Grand Finals ng first season ng 'The X Factor USA' (mapapanood below). Ang auditions ng 'The X Factor USA' ay ginaganap sa malalaking venues pero ang grand finals ay sa isang studio lang.

Sino sa tingin ninyo ang may pinakabonggang X Factor at karapat-dapat manalo ng 4 Million Pesos?



Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    September 24, 2012 at 11:46 PM | Permalink

    KZ!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS