Kapatid Stars & Programs Wagi sa CMMA & Famas


Share



Sunud-sunod ang pagtanggap ng parangal ng mga programa at artista ng TV5. Limang natatanging pagkilala ang nakuha ng Kapatid Network sa katatapos lang na 34th Catholic Mass Media Awards (CMMA), habang dalawang Kapatid stars naman ang kinilala sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.

Sa 34th CMMA, hinirang na Best Public Service Program ang Extreme Makeover Home Edition Philippines. “Naibuhos namin ang lahat sa programa. Ang award na 'to ay icing on the cake. Natapos namin yung season on a very high note at ito ay isang napakalaking bagay para sa aming lahat,” ani Paolo matapos tanggapin ang parangal.

Pinarangalan din ng CMMA ang Talentadong Pinoy bilang Best Entertainment Program. Tatlo pang programa ng TV5 — Pinoy Explorer (Best Adult Educational/ Cultural Program), Ang Katapusan (Best TV Special) at USI: Under Special Investigation “Sendong” episode (Best Special Event Coverage) — ang tumanggap ng Special Citations mula sa award-giving body. Nakatakda ring kasama sa shortlilst para sa 2012 Japan Prize ngayong Oktubre ang USI na hinohost ni Paolo Bediones.

Samantala, kabilang ang Enchanted Garden star na si Edgar Allan Guzman sa mga nakatanggap ng German Moreno Youth Achievement Award sa nakaraang FAMAS Awards night. Best Supporting Actor naman si Baron Geisler para sa pelikulang "Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.” Nakatakdang mapanood si Baron sa bagong superhero drama series na Kidlat (na pinagbibidahan ni Derek Ramsay).


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS