Eraserheads & Rivermaya Songs Ngayong Sabado sa 'X Factor Philippines'


Share



Bilang na lang ang mga episodes ng unang season ng 'The X Factor Philippines,' malapit ng maganap ang Semi-Finals at 2-Part Live Grand Finals nito at malapit na rin natin makilala Final 3 at ang contestant na nagtataglay ng pinakabonggang X Factor at mag-uuwi ng 4 Million Pesos.

Mula sa labindalawa, anim na lang ang matibay na natitira sa nangungunang talent show ng bansa ang 'The X Factor Philippines.' At mula sa apat na categories ay tatlo na lang ang natira, matapos magpaalam ng huling pamabato ng Over 25s ni Ms. Pilita Corrales na si Joan Da noong nakaraang Linggo kung saan 80s Musics ang theme.

At ngayong 7th Live Shows, tatlo sa Top 6 ay kakanta ng Eraserheads songs at ang iba pang tatlo ay Rivermaya songs naman. Wow! What an exciting theme, right? This is my favotote theme so far dahil may malay na ako nang lumabas ang mga kanta ng Eraserheads at Rivermaya.

Sa 7th Results show naman ay malalaman na natin ang Top 5 na papasok sa huling linggo ng kumpetisyon na may kapangyarihan pa ang mga judges na magpauwi.

Pero bago yan, bangan bukas sa Studio 23 sa ganap na 7 PM ang pagbabalik ng Biggest and Most Epic Reality show ng mundo ang 'The X Factor USA.' Sa mga di makakaabot, may replays sa ganap na 10.30 PM. Unforgettable. UnXpected.

UPDATE: This is the official hashtag this Saturday #XFPHEheadsRmaya!!!


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS