Diana Zubiri, Pumirma na Bilang Kapamilya!


Share




YES! Sa wakas! Kaninang hapon ay pumirma na ng kontrata ang napakagaling na aktres na si Diana Zubiri bilang isang Kapamilya.

Unang nakilala si Zubiri sa mga ilang sexy films pero mas tumatak siya sa mga tao ng maging isa sa apat na bidang diwata sa hit fantaserye ng GMA noon na 'Encantadia.'

Marami ang Kapamilya natuwa sa paglipat ng aktres. Siya ang ikatalong bidang diwata ng 'Encantadia' na lumipat sa ABS-CBN. Una na diyan si Karylle na lumipat few years ago. Mga unang parte ng 2012 nang lumipat naman si Iza Calzado at today nga ay si Diana naman, isa na lang ang kulang at ito ay si Sunshine Dizon na di na rin napapanood sa TV at movie dahil busy ito sa pagiging ina.

Ilan pa sa cast ng nasabing fantaserye ang nasa Kapamilya na rin gaya nina Dawn Zulueta, Richard Gomez at Alfred Vargas. So welcome sa Kapamilya, Diana Zubiri!

Photos by Ginger Conejero


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    September 7, 2012 at 10:37 PM | Permalink

    Encantadia sa Kapamilya... soon. LoL

  • gravatar Anonymous
    September 8, 2012 at 4:59 PM | Permalink

    si sunshine dizon na lang ang kulang sa apat na sang'gre!
    si karylle at iza nasa ABS na ehhh

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS