ABS-CBN Big Bosses Patungo ng New York Para Dalhin ang 'Miss Universe' sa Pilipinas sa 2015


Share



Ayon sa Missosology, balak dalhin ng ABS-CBN, Binibining Pilipinas Charities, Inc., at Philippine Department of Tourism ang 'Miss Universe' sa Pilipinas sa taong 2015.

Patungo raw New York sina Ms. Cory Vidanes (ABS-CBN Channel Head) and Ms. Charo Santos-Concio (President) mula September 24-27 para-magbid. Nasa New York matatagpuan ang main office ng Miss Universe Organization. Ayon pa sa nasabing website, makaksama ng ABS-CBN, BPCI at DOT ang Philippine Air Lines, SM Group of Companies and Mitsubishi Motors Philippines bilang mga sponsors. Ang probinsiya ng Cebu at Palawan ang pinagpipilian para mag-host ng 'Miss Universe 2015.'

Ngayong taon, ilang beses nagbago ng host city ang 'Miss Universe' dahil maraming umaaayaw pero tayo ngayon pa lang ay naghahanda na para maging host nito sa taong 2015.

Kung matuloy ito, makakabuti ito para sa ating turismo lalo pa na maaaring sa Cebu o Palawan ito ganapin, na dalawa sa mga magagandang probinsiya sa ating bansa. Maraming nagsasabi na sana Cebu ito gawin, kahit mas paraiso ang Palawan, dahil daw mas maganda ang mga infrastructure sa Cebu kesa sa Palawan. Di ito ang unang pagkakataon na maging host country ng 'Miss Universe' ang Pilipinas.

Sana nga matuloy ito at I'm sure ngayon pa lang ay excited na tayo.

Photo by Miss Universe Organization & Trump


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS