Robi Domingo, Isa sa mga Hosts ng 'The Voice of the Philippines?'


Share



Last year pa ng makuha ng ABS-CBN ng dalawang pinakasikat ay pinakamalaking reality singing competition sa buong mundo ang 'The X Factor' na mula sa UK at ang 'The Voice of Holland' na mula sa Holland.

Unit ni Ms. Alou Almaden ang may hawak ng 'The X Factor' na siya ring may hawak ng 'Got Talent' na parehas na likha ni Simon Cowell. Habang ang 'The Voice' naman ay napunta sa unit ni Direk Laurenti Dyogi na may hawak ng 'Pinoy Big Brother','MasterChef', & 'Biggest Loser' gayundin ng mga dating programang 'Pinoy Dream Academy' & 'Pinoy Fear Factor.' Maraming natuwa ng napunta ito sa unit ni Direk Dyogi dahil sanay na ito sa paghawak ng mga reality shows. At dahil si Dyogi may hawak nito, asahan nating may love teams dito hahaha!

Kahit na parehas na singing contest at may apat na mentor-judges ang 'The Voice' at 'The X Factor' ay magkaiba sila mula auditions hanggang finale at pati na rin ang rules. Sa 'The Voice' puro mga solo acts habang sa 'The X Factor' ay puwede ang mga groups. Sa 'The X Factor' ay ang singer na may pinakabonggang X Factor ang hinahanap habang pinakabonggang singer naman ang hanap sa 'The Voice.'

Pero sino nga ba ang magiging hosts at mentor-judges ng 'The Voice of the Philippines?' Ayon sa interview ni Robi Domingo sa Push.com.ph, nakipag-meeting daw siya kay Direk Lauren ng mahigit isang oras para sa mga plano nito para sa kanya at ang isa nga rito ay ang 'The Voice.' Sa ngayon di pa opisyal na siya na talaga ang isa sa mga hosts, pero mukhang malaki ang chance niya.

Unang nakilala si Robi sa showbiz nang pumasok siya bilang Teen Housemate sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition Plus' kung saan tinanghal siyang 2nd Big Placer. Di nagtagal naging VJ siya sa MYX at last year nabigyan siya ng malaking break sa hosting ng mapasama siya bilang isa sa mga hosts ng 4th regular season and teen edition ng PBB.

Maraming kumikwestiyon kung bakit siya napili at di naging ganun kabongga ang umpisa niya pero habang tumatagal ay napatunayan na deserving siya. At I'm sure marami matutuwa kapag naging official host na siya ng The Voice.

Photo via ABS-CBN.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS