'Pilipinas Got Talent' (Season 4) Ngayong October na sa ABS-CBN


Share



Matapos man ang pagpapakita ng bonggang X Factor ng mga Pinoy sa unang season ng 'The X Factor Philippines' ay tuloy-tuloy lang ang pagpapakitang gilas ng mga Pinoy and this time kakaiba at bonggang talent naman ang masasaksihan sa pagbabalik ng 'Pilipinas Got Talent.'

Sa pagbabalik ng nasabing Kapamilya talent show, na pinagmulan ng mga winners na sina Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy at last season's runners up El Gamma at Khalil Ramos, ay sinisigurado ng pamunuan na di na singers ang mananalo. Kaya naman mapaansin sa mga plugs and teasers nito ang mga montage ng mga kakaibang talents na nasaksihan sa iba't- ibang versions ng 'Got Talent' at mappansin rin na todo ang paghihikayat ng network, ng show at ng hosts na ipakita angnaitatago at kakaibang talento ng Pinoy at di lang pagkanta.

Last season, nag-worry ang Freamantle at ni-remind ang management na sana ay di singing act ang manalo pero yun nga isang singing group ang nanalo dahil sinunod ng show ang rules ng franchise. Kaya naman sa season 4 nito ay mas matindi at mas mahigpit na PGT ang dapat abangan so asahan natin na baka maaaring maraming good singers ang di ipasa dahil gusto ng Fremantle na di singing act manalo. Sa nakalipas na 3 seasons, ang British format (including the logo, title card and music themes) ang sinunod ng PGT so kung anu man ang twist o pagbabago this season ay yan ang dapat abangan.

Ang 'Pilipinas Got Talent' (Season 4) ay magsisimula na ngayong October with presentors Billy Crawford and Luis Manzano. Sa ngayon si Ms. Kris Aquino pa lang ang confirmed returning judge. Any moment ay malalaman natin kung magbabalik din sina Ms. Aiai delas Alas and FMG as judges.

UPDATE: Kanina kinumpirma ni Ms. Kris Aquino sa kanyang twitter account na babalik din sina Aiai at FMG bilang mga judges. So, kumpleto pa rin ang buong PGT family.

Photo by @iammarielozano

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS