Ang mga Dapat Abangan sa Grand Finals ng 'The X Factor Philippines'


Share



Nalalapit na nga malaman ang Pinoy act na nagtaglay ng pinaka-bonggang X Factor sa 'The X Factor Philippines' Grand Finals.

Pero bago ang Grand Finals, dadaan pa ang natitirang contestants sa 5 eliminations, at isa sa mga ito ay ang Semi-Finals.

Kapag 6 o 5 na lang ang natira sa kumpetisyon, ang bawat isa sa kanila o ang bawat ang isang act ay magpeperform ng 2 songs sa Live Shows. And yes, bawat Live Show simula sa round na yan ay magkakaroon ng 2 themes.

At pagdating ng Semi-Finals kung saan apat na lang ang matitira, mawawalan na ng kapangyarihan ang mga Judges na magpa-uwi, wala na ring Bottom 2 at Final Showdown. Meaning, kung sino ang may pinakamababang boto ay siyang matatanggal at ang tatlong matitira ang papasok sa Grand Finals.

Ang Final 3 acts ang maglalaban sa 2-part Grand Finals. Sa unang gabi ng Grand Finals ang Final 3 ay kakanta ng tig-dalawang songs. Ang isa sa mga rounds dito ay ang Celebrity Duets, kung saan makikipag-duet sila sa artist na iniidolo nila o gusto nila maka-duet. Pwede ring Judges Duet ang mangyari kung saan ang sarili nilang mentor ang makaka-duet nila. Habang nagpeperform sila ay nagaganap ang botohan. Kaya dapat maging matalino sa pagboto dahil sa dulo ng show ay isa sa Final 3 ang aalis na

Ang 2 matitira ay didiretso sa second part ng Grand Finals kung saan ang bawat act ay kakanta ng 3 songs, at ang pinaka-final round ay may theme na Winnning Song. Sa Final Round, maaring maglaban ang Final 2 sa iisang kanta pero maaari ring magkaiba. Kung sino man ang manalo, magiging unang single niya ang kanyang Winning Song.

Sa Grand Finals, may round/s na walang themes pero isa o dalawa sa mga rounds sa Grand Finals ay may Theme na Contestant's Favorite. Sa theme na Contestant's Favorite ay muli nilang kakantahin ang paborito nilang performance sa competition mula Live Auditions hanggang Live Shows.

At sa dulo ng 2nd part ng Grand Finals ay malalaman ang Winner. Ang Grand Finals ay magaganap sa October. Narito ang halimbawa ng Duet Round at ang pag-anunsiyo ng winner.




Photo by The X Factor Philippines


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS