Ang Elimination Process, Dead Lock & Double Elimination Ng 'X Factor'


Share



Maliban sa pagiging bongga ng stage at mga performance ng mga contestants, ang isa pang rason kaya naging NUMBER ONE REALITY SHOW sa buong mundo ay dahil sa pagiging kontrobersyal nito: ang pag-aaway ng judges at ang elimination process nito.

Bakit nag-aaway ang mga judges dahil kadalasan ay ipinagtatanggol ng judge ang mga acts mula sa kanyang category laban sa mga di magagandang komento ng ibang judges na mentors ng iba pang categories. At minsan naman nilaglag o di ipinagtatanggol ng mentor ang act sa kanyang category. Kaya todo ang emosyon ng mga judges sa Live Shows dahil bilang mentor rin ay kasama sila sa pagpili ng mga kanta ng mga act at papaano nila ito i-peperform.

Mga unang season ng original version ng 'The X Factor' ay mayroon lamang itong three judges at three categories: Young, Group at Adult. At nang mag-umpisa din ito parang judges lang sila ng 'American Idol' na walang pakialam sa kantang pipiliin ng mga contestants basta magbibigay lang sila ng komento sa mga performances ng mga ito. Pero ilang taon at seasons ang lumipas mula sa tatlo ay naging four mentor-judges at four categories at naging parte na rin ng pagbuo mga performances ang mga mentors.

Hindi maiwasan ang tensyon sa mga judges dahil may kanya-kanyang category na minimentor ang bawat judges. At siyempre gusto rin ng bawat judge na di siya mawalan ng contestants hanggang sa dulo ng kompetisyon at siyempre ang maging winner mentor sa buong season.

Para makilala kung sino ang uuwi sa linggong iyon hinihikayat ng show at ng contestants ang taong bayan ang bumoto dahil sila ang ika-limang judge. Sa Live Results show maiiwan ang 2 acts na nakakuha ng pinakamababang boto at ang dalawang ito ay dadaan sa Final Showdown para makuha nila ang boto ng judges.

Sa Judges' Vote, boboto ang mga judges siyempre at kadalasan di binuboto ng mentor ang nominated act na mula sa category niya pero minsan binuboto mapauwi ng mentor ang sarili niyang act na nagdudulot ng kontrobersiya sa show at mawalan ng tiwala ang mga act/s sa kanilang mentor. Pero pwede ring di bumoto ang judge o Abstain.



So eto mga maaring maging resulta:
4-0
3-1
3-0-1 abstain
2-1-1 abstain

Pero pwede ring maging ganito ang resulta 2-2 o ang tinatawag nating Dead Lock! Kapag nangyari ito, pagbabasehan ang boto ng taong bayan so kung sino makakuha ng lowest ang siyang tanggal. Mapapanood sa baba ang isa sa pinakakontrobersyal na Dead Lock sa kasaysayan ng 'The X Factor' franchise.

Minsan nagkakaroon ng Double Elimination lalo na kung may naganap na Wild Card. Kapag nangyari ito, bottom 3 sa botohan ang manganganib. Ang unang mapapaalis ay yung may pinakamababang boto habang ang natirang dalawa ay dadaan sa Final Showdown at Judges' Vote.

Pagdating sa Semi Finals at Grand Finals tanging boto ng taong bayan ang pagbabasehan ng elimination at ng magiging winner.



Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    August 4, 2012 at 7:36 PM | Permalink

    sinong mentor ng dalawa?

  • gravatar Anonymous
    August 5, 2012 at 11:32 AM | Permalink

    walang 4-0 never mangyayare yan hahaha... common sense ung mentor nung nasa bottom 2 boboto sa kalaban... hahaha...

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS