Live Shows ng 'The X Factor Philippines' Magsisimula na sa August 4


Share







Ngayong gabi magtatapos ang Bootcamp round kung saan makikilala ang TOP 20 ng unang season ng 'The X Factor Philippines' na binubuo ng Top 5 Girls, Top 5 Boys, Top 5 Overs and Top 5 Groups.

Malalaman na rin ang kategoryang i-mementor ng bawat judges na sina Pilita Corrales, Charice, Gary Valenciano, at Martin Nievera.

At ang Top 20 acts ay didiretso sa next round ng competition ang Judges' Home kung saan makakasama ng Top 5 ng bawat category ay makakasama nila ang kanilang mentor. Magpeperform sila sa harap ng mentor nila at sa kasamang co-mentor. Sa pagtatapos ng round, Top 3 sa bawat category lamang ang matitira o ang Top 12 acts ng season na ito na sasabak sa Live Shows round ng 'X Factor.'

Ang Judges' Home ay di literal na bahay mismo ng mga Mentor Judges, eto yung 4 na magkakaibang lugar kung saan gaganapin ang round. Unang sumabak ang Team ni Charice noong June o ilang araw pagkatapos ng Bootcamp. Naganap ito sa The Bellevue Hotel Manila kung saan nakasama niya si Cheesa ng 'The Voice' (USA) (read more here

Ang iba pang lugar kung saan ginanap ang Judges' Home ay sa Club Balai Isabel sa Taal Lake, Talisay, Batangas, Manila at Tagaytay Highlands. Ipapalabas ang round na ito next week July 28 & 29.

At ang inaabangang Live Show round naman ay magsisimula na sa August 4! Anong unang team ang mauubos at sino ang tatanghaling winner na nagtataglay ng pinakamatinding "X Factor?" Iyan ang dapat abangan tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa 'The X Factor Philippines.'

Photos by The X factor Philippines


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS