KZ Tandingan, Takeoff, Kedebon, Lucky Girls, Daddy's Home Handang-handa na sa 'X Factor'


Share




Damang-dama na talaga ang kumpetisyon sa unang season ng 'The X Factor Philippines' ngayong malapit na ang Live Shows round kung saan magpeperform sa unang pagkakataon ang Top 12 ng LIVE.

Ang Top 12 ay binubuo ng Top 3 Girls, Top 3 Boys, Top 3 Groups, at Top 3 Overs na mga nakapasa sa Judges' Home round.

Ngayon pa lang todo na ang paghahanda at pag-eensayo ng mga hopefuls. Ang newly formed group na Lucky Girls (binuo ng judges sa Bootcamp dahil sa marami sa Girl Category ang mga magagaling) ay todo na ang practice at kasama na rin dyan ang isang make over.

Habang si KZ Tandingan from Davao ay binigyan ng kanyang mga kaibigan ng isang party last week at ngayon nga ay nasa Manila na ito.

Todo na rin ang paghingi ng suporta ni Paulo Castro na parte ng Overs category. Habang ang Takeoff ay todo ang ensayo at paghahanda. Sinisigurado nila na mas gagalingan nila sa mga susunod pa nilang performances.

Ang Cebuanong si Kedebon naman ay bumalik sa Manila ngayong araw at todo na ang pagdarasal. Handang-handa na rin ang Daddy's Home na magperform pero sino nga ba sa kanila ang pasok sa Top 12, iyan ang dapat abangan sa July 29, Linggo sa huling taped episode ng 'The X Factor Philippines.'

Photo by Gino and Takeoff


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS