Kim Chiu, Personal Choice ni Vilma Santos Para sa 'The Healing'


Share



Laking swerte ang turing ng primetime princess na si Kim Chiu sa natatanging pagsasama nila sa kauna-unahang pagkakataon ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa pinakabagong horror-suspense film ng Star Cinema na “The Healing” na ipalalabas na sa July 25.

“Napakagandang experience ang makatrabaho ko si Ate Vi. Ang dami kong natutunan sa kanya as an actress and as a person. Parang nag-grow ‘yung acting ko dahil po sa kanya,” pahayag ni Kim, na ayon mismo kay Ate ay personal niyang pinili na makasama sa kauna-unahan niyang suspense-horror na pelikula na bahagi ng engrandeng selebrasyon ika-50 anibersaryo sa showbiz ni Ate Vi. Hinding-hindi raw makakalimutan ng kauna-unahang “Pinoy Big Brother Teen Edition” big winner ang labis na suportang natanggap niya mula sa Star for All Seasons upang bigyang buhay ang misteryoso niyang karakter sa pelikula na dapat abangan ng lahat. “Si Ate Vi, sobra siyang approachable at down-to-earth. Walang ‘wall,’ parang kahit sino pwedeng kumausap sa kanya,” sabi ni Kim. “Pwede mong ikwento lahat sa kanya, mahihiya ka na lang sa sobrang bait niya.”

Dagdag pa ni Kim, napakalaking bagay sa pagganap niya ang kabutihan ni Ate Vi na tulungan siya lalo na sa mga mabibigat nilang eksena sa “The Healing,” na kuwento tungkol sa tradisyon ng mga Pilipino na tumungo sa faith healers upang magpagaling. “Sabi ni Ate Vi, ‘Huwag mong sasayangin ang eksena. Ibigay mo na, minsan lang ito mangyari. Huwag mong isipin na ako si Ate Vi.”

Sa inspirasyong hatid sa kanya ng Star for All Seasons, todo-bigay si Kim sa bawat mapanghamong eksena niya sa “The Healing” na nakatakdang ilunsad ang pagiging isang ganap niyang aktres. “Sobrang professional ng lahat ng katrabaho ko. Pagdating ko sa set, dapat kabisado ko na ang linya ko, dapat prepared na ako kasi katrabaho ko si Direk Chito Roño at ‘yung buong team namin, plus Governor Vilma pa,” sabi niya.

Bilang pagpupugay sa 50th anniversary ni Ate Vi, isang powerhousehouse cast ang binuo ng Star Cinema para sa “The Healing.” Bukod kay Kim, kasama rin ni Ate Vi sa pelikula sina Mark Gil, Martin del Rosario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin and Pokwang!

Ang “The Healing” ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa July 25, 2012!

For more updates on “The Healing”, simply visit www.StarCinema.com.ph, or like the movie’s official page, http://facebook.com/TheHealingFilm, http://facebook.com/StarCinema or http://twitter.com/StarCinema.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • July 10, 2012 at 11:45 AM | Permalink

    Sikat sikat ba su kababayan. ;)

    http://cebuislandlive.com/2012/07/09/yahoo-omg-awards-cebuana-kim-chiu-is-breakthrough-actress-of-the-year/

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS