Kanta ni Lady Gaga na 'Edge of Glory' Paglalabanan sa Bootcamp ng 'The X Factor Philippines'


Share



Bukas na nga mapapanood ang final episode ng Live Auditions ng unang season ng 'The X Factor Philippines' at sa darating na July 21 ay mapapanood na ang Bootcamp round.

Sa round na ito ay magsasama-sama ang mga nakapasa sa Live Auditions na balita ko ay lakpas sa 150 ang nakapasa. Sila ay tatawaging Bootcampers at magpeperform sila sa Pagcor Theatre.

Sa round din na ito ay hahatiin sila sa 4 na categories: ang Girls, Boys, Groups and Overs (soloist, 25 years old pataas). Ang round na ito ay tumagal ng 2 araw kung saan ilang beses nagpeperform ang mga Bootcampers at isa sa mga kanta na pinaglabanan nila ay ang 'Edge of Glory' ni Lady Gaga.

Sa pagtatapos ng round na ito ay makikilala na ang TOP 20 (Top 5 Girls, Top 5 Boys, Top 5 Groups & Top 5 Overs) na sasabak naman sa Judges' Home Round. Malalaman din sa round na ito ang kategoryang napunta sa mga judges na kanilang i-mementor.

Sa 4 na magkakaibang lugar naman gaganapin ang Judges' Home round kung saan makakasama nila ang kanilang mentor at sa pagtatapos nito ay mamimili ang kanilang mentor at ang kaibigan ng kanilang mentor ng Top 3 sa kanila. So bale, Top 12 lamang ang sasabak sa Live Shows round.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS