Jed Madela & Rico Puno, Guest Judges Sa 'X Factor Philippines'


Share




Judges' Homes round na ng 'The X Factor Philippines' kung saan makikilala na ang Top 12 o Top 16 (read the previous blog entries for more details) at sa pagpili ng Top 3 at gayundin sa wildcard contestant mula sa kategoryang napunta sa kanila ay makakasama ng mga mentor-judges ang apat na guest judges.

Dalawa sa guest judges ay naibahagi ko na (read previous blog entries for more details) at ngayon ang mga makakasama naman nina Pilita Corrales at Gary Valenciano ang aking ibabahagi.

Ang singer at matalik na kaibigan ni Ms. Pilita na si Rico Puno ang makakasama nito sa kategoryang napunta sa kanya. Ilang beses na nagsama ang dalawa sa mga concerts and live shows kaya di na sila maiilang sa isa't-isa. Ang Over 25s ba ang kategoryang i-mementor ni Ms. Pilita? Iyan ang dapat abangan.

Samantala, kapamilya naman ni Gary Valenciano sa 'ASAP 2012' ang makakasama niyang guest judge for Groups Category. Ang aking tinutukoy ay si ang WYCOPA Champion na si Jed Madela.

Nagtungo pa ang dalawa sa Tagaytay Highlands para piliin ang Top 3 groups at gayundin ang wildcard group na 5th Avids. May awayan daw na naganap sa kategoryang ito.

Yan ang dapat abangan this weekend gayundin ang kasagutan sa mga katanungan na si Charice ba mentor ng Girls Category at si Martin Nievera naman ang sa Boys Category.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS