Gary Valenciano, Mentor ng Groups Category ng 'X Factor Philippines'


Share


Matapos mag-taping ng Bootcamp si Gary Valenciano noong June ay tumungo agad ito sa USA at tumagal siya at ang kanyang pamilya doon ng ilang linggo. Sa katunayan, sa live streaming ng ABS-CBN sila nanonood ng mga unang episodes ng 'The X Factor Philippines.'

Pag-uwi nito dito sa Pilipinas ay dumalo siya sa meeting ng mga judges ng 'The X Factor Philippines' kasama ang head ng unit ng show. Silang dalawa lang ni Ms. Pilita Corrales ang nasa bansa ng mga panahong iyon, nasa US sina Charice at Martin Nievera kaya thru video conference na lang sila.

At noong July 10 ay naganap ang Judges' Home round ng Groups Category na naganap sa bonggang Tagaytay Highlands. Ito lang ang category na DI nag-tape ng Judges' Home sa buwan ng June dahil nga ang mentor nito ay ilang linggong nawala sa Pilipinas. At yes ang tinutukoy kong mentor ng category na ito ay si Gary Valenciano.



Naging madrama daw ang mga kabilang sa groups category dahil nag-away daw ang ilan sa kanila.

Sino kayang grupo ang kumanta ng 'Best Thing I Never Had?' Yan ang dapat abangan ngayong weekend sa 'The X Factor Philippines.'

Photo by X Factor Philippines

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS