'Eat Bulaga! Indonesia' - 1st International Franchise ng 'Eat Bulaga'


Share









Kapag sinabing noontime show sa Pilipinas, ang 'Eat Bulaga' ang una nating naiisip.

Sa loob ng 33 years, patuloy na nagbibigay sa mga Pinoy ng isang libo't isang tawa ang nangungunang dabarkads sa noon time ang 'Eat Bulaga.' At simula bukas, July 16, ma-eexperience na ng Indonesia ang sayang dulot ng 'Eat Bulaga' sa pag-uumpisa ng 'Eat Bulaga! Indonesia' - ang kauna-unahang international fanchise ng 'Eat Bulaga' ayon mismo sa Tape Inc.

Ang pagiging masaya, pagmamahal sa kalikasan, pagtutulungan at pagkakaroon ng puso ng original version ang dahilan kung bakit dinala ng Surya Citra Televisi (SCTV) sa kanilang bansa ang noontime variety show na ito. Kaya umaasa ang 14 hosts ng nasabing programa na sina Uya kuya, Aja Farid, Reza No, Ramzi, Narji, Ciripa, Rian Ibram, Rio Indrawan, Steven, Leo Consul, Selena Alexandria, Jenny Tan, Bianca Lizza & Julie Christie na tatangkilikin din sila gaya ng pagtangkilik ng mga Pinoy rito.

Mapapanood sa 'Eat Bulaga! Indonesia' ang Indonesian versions ng Bulagaan (Bolagaan), Karaoke Games, Juan For All, All For Juan (Satu Untuk Semua, Semua Untuk Satu) and ang super sikat na Pinoy Henyo (Indonesia Jenius).

Bongga ng 'Eat Bulaga' di lang saya ang binibigay sa ating mga Pilipino, nagdala pa sila sa atin ng karangalan. At kung maging hit ito sa Indonesia, baka pati iba pang bansa ay magkaroon na rin ng sarili ng version ng 'Eat Bulaga.' Kaya sa mga Pinoy sa Indonesia, suportahan din natin ang 'Eat Bulaga! Indonesia.'

UPDATE: Here's the first episode link

Source: Kapanlagi.com

Photos via Kapanlagi.com, @Selenalsndra, @j0n3rs, @rezabukanasli and @faridajaasli


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    July 15, 2012 at 8:57 PM | Permalink

    Wow The Studios are Identical!

  • gravatar Anonymous
    July 19, 2012 at 11:04 PM | Permalink

    grabe!!! eat bulaga na talaga

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS