Arnel Pineda Makakasama sa 'X Factor Philippines' Bilang Guest Judge


Share



Sa darating na July 21 & 22 na nga mapapanood ang Judges' Home round ng 'The X Factor Philippines' kung saan malalaman na natin ang mentor ng bawat category.

Sa round na ito, magpeperform ang napiling Top 20 sa harap ng kanilang mentor at sa kasama nitong guest judge.

Nabalita ko na dati ang ilang lugar na paggaganapan ng Judges' Home at gayundin ang makakasamang guest judge ni Charice sa round na ito.

At ngayon oras na para ihayag ang makakasamang guest judge ni Martin Nievera, siya ay ang walang iba kundi ang lead singer ng international band na Journey na si Arnel Pineda.

Tutulungan ni Arnel si Martin na pumili ng 3 acts na may pinakabonggang X Factor mula sa 5 hopefuls sa kategorya niya.

Sa Club Balai Isabel sa may Talisay Batangas naganap ang Judges' Home round para sa team ni team Martin Nievera.

Boys Category nga ba napunta kay Martin at sinong 3 acts mula sa kanyang kategorya ang mapapasama sa Top 12 na sasabak sa Live Shows next week. Ang mga kasagutan ngayong weekend sa 'The X Factor Philippines.'

Photo by Arnel Pineda's staff


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS