'PBB Teen Edition 4' Muling Na-extend, 'Dahil Sa Pag-ibig' Magwawakas Na!


Share




Tatlong Primetime Bida shows ang nalalapit ng magtapos:

Una na dito ang Koreanovelang 'Dream High' (Season 1) na nasa huling dalawang linggo na.

Susunod naman ang teleseryeng 'Dahil sa Pag-ibig' na nasa huling apat na linggo na lang. Ang serye ay pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Reyes, at Christopher de Leon.

Malapit na ring magtapos ang pambansang reality show ng bayan ang 'Pinoy Big Brother Teen Edition 4' pero di na sa June 16 magaganap ang Big Night. Muli na namang na-extend ang nasabing reality show dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood rito. Katibayan na nga ng pagiging patok ng edisyong ito ay ang palagian nitong pagtitrending sa Twitter mapa-Philippines o Worldwide man, mapa-Uber o Primetime man.

Ang problema sa muling pag-extend ng show ay ang pag-aaral ng mga Teen Housemates. Malapit na ang pasukan pero nasa loob pa rin sila ng Bahay ni Kuya. Oh well, business is business! Sayang nga naman ang kita ni Big Brother. Hahaha

Photo by ABS-CBN and Endemol


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    June 7, 2012 at 11:24 PM | Permalink

    Bahay ni Ate na po yan. Hello si Kuya, ang binibigyan ng advice ang mga babae. Si Yves pinababayaan. Kaya buo na ang paniniwala kong si Kuya ay Ate pala talaga. Buong linggo ni wala siyang nasabi kay Yves na matino. Magdirect na lang kaya siya. And please lang yang Myrtle na yan, napaka ipokrita niya. Akala mo naman kung sinong maganda at perpekto. Mabuti pa ugali ni Karen, kahit suplada dati, ngayon maayos na. Try din kaya ni Myrtle mag shorts sa bahay kasi di naman COSPLAY event ang BIG SISTER HOUSE. Napaka Anti Yves ng week na ito, sana pinag voluntary exit niyo na lang iyong tao.

  • gravatar Anonymous
    June 8, 2012 at 10:28 PM | Permalink

    Nauna pa ang Dahil Sa Pag-Ibig Kaysa Walng Haggan .HAHAHA sabagay ang korny at dragging yun Kaysa 'WH' ..Mukhang next year na sila mag-aaral .

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS