PBB Big Winner Slater Young Kabilang sa 2 Kapamilya Teleseryes


Share



Matapos tanghalin bilang kauna-unahang Male Big Winner sa regular season ng 'Pinoy Big Brother' sunod-sunod na showbiz projects ang pinagkakaabalahan ngayon ni Slater Young.

Nauna na nga diyan ang mall shows na pinuntahan niya sa iba't-ibang panig ng Pilipinas, magazine covers, TV guestings, at endorsements.

At gaya ng ating inaasam, mapapabilang si Slater sa mga Teleseryes ng ABS-CBN: ang 'Angelito: Ang Bagong Yugto' na mapapanood sa Kapamilya Gold at ang inaabangan seryeng 'A Beautiful Affair' na pagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na mapapanood naman sa Primetime Bida. Makakasama din niya sa 'A Beautiful Affair' ang kasamahan niya sa Cornerstone at 'PBB Unlimited' na si Carlo Romero.

Matatandaang, di pa tinatanghal na Big Winner noon si Slater ay marami na ang nagsasabi, isa na ako roon, na malayo ang mararating ng Cebuano cutie na ito sa showbiz at ngayon pa lang ay sisimulan na niyang patunayan ito! Congrats, Slater!!! x

Photo via @thatguyslater


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

4 Comments

  • gravatar Anonymous
    June 30, 2012 at 8:09 PM | Permalink

    So happy to know that Slater is part of 2 teleseryes. This is what we have been anticipating!!! Congratulations, Slater, we will be behind you all the way!!!

  • gravatar Anonymous
    June 30, 2012 at 9:27 PM | Permalink

    this is what i want!! yeheyy sa wakas!!

  • gravatar Anonymous
    June 30, 2012 at 10:50 PM | Permalink

    Good luck and God bless Slater! Aabangan namin iyan :)

  • gravatar Anonymous
    July 1, 2012 at 11:06 PM | Permalink

    Hmm. One year lang itatagal nito sa showbiz :D

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS