Judy Ann Santos, Sam Milby & KC Concepcion Magbibida sa Teleseryeng 'Against All Odds'


Share




Nagbabalik na nga ang Queen of Teleserye na si Ms. Judy Ann Santos sa Primetime Teleserye.

Super dami na nga ang nakakamiss na mapanood si Juday sa isang teleserye matapos nitong manganak at maging host ng reality show na 'Jr. MasterChef Pinoy Edition.' Kaya naman sa kanyang pagbabalik ay isang napakalaki at engrandeng teleserye ang kanyang pagbibidahan ang 'Against All Odds.'

Makakapareha niya dito ang nagbabalik Pilipinas na si Sam Milby na first time niyang makapareha sa isang teleserye. Huling napanood si Sam sa Daytime Teleserye na 'Precious Hearts Romances Presents: Impostor' na nanominado sa International Emmy Awards at ngayon nga ay nagabalik primetime teleserye na siya.

Pasok din sa cast ang nagbabalik din sa paggawa ng teleserye na si KC Concepcion. Huling napanood sa teleserye si KC sa Filipino remake ng Koreanovelang 'Lovers in Paris' kung saan nakapareha niya ang dati niyang kasintahan na si Piolo Pascual. Ang 'Against All Odds' ang kanyang ikalawang teleserye.

Talagang bigaten ang mga bituin sa teleseryeng ito dahil pasok din sina Coney Reyes, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, John Estrada, Louise Abuel, Joseph Marco, Bryan Termulo, Susan Africa at Jessy Mendiola. Kanina nga ginanap ang storycon at yon sa mga taga ABS-CBN first time ng cast na gawin ang roles na naibigay sa kanila.

Ang seryeng ito ay mula sa direksiyon ni Malu Sevilla at sa ilalim ng unit ni Mr. Deo T. Endrinal and Julie Anne Benitez.






Photos by Mader Bibs


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS