Eula Valdez Joins the Cast of 'Walang Hanggan' (Book 2)


Share




Dahil sa mainit na pagtanggap ng taong bayan sa teleseryeng 'Walang Hanggan' kaya patuloy ang pangunguna nito sa buong bansa, ang tanging TV show sa Pilipinas na nakaabot ng 40% ratings ngayong taon.

Dahil sa tagumpay ng 'Walang Hanggan,' magkakaroon ito ng Book 2 at muli daw itong na-extend hanggang October. At sa pagsapit ng Book 2, maraming characters ang dadagdag sa lalo pang gumagandang istorya nito. Isa na nga rito ay ang pagpasok ng character ni Eula Valdez! Ano ang magiging kauganayan niya kay Emily (played by Dawn Zulueta)? Iyan ang dapat abangan sa Book 2 ng 'Walang Hanggan!'

Sa isang cosmetic launch, ikinumpirma ni Cong. Lucy Torres ang pagkakaroon ng Book 2 ng nasabing serye kung saan gumaganap na Marco ang kanyang asawang si Richard Gomez (via ABS-CBNnews.com):

“They’re going to have a book two, I hear. And it’s just nice how the people have embraced the whole cast and how they’ve welcomed ‘Walang Hanggan’ as part of their nightly viewing habit... ABS-CBN never does anything half-baked, so they’ve always been known for their wonderful teleseryes. They’ve always been known to market it in such a big way..."

UPDATE: Ayon sa aking nasagap na impormasyon, si Eula ang gaganap bilang kapatid ni Jane (played by Rita Avila) at maghihiganti daw ito kay Emily. At gaya nang na post ko last week, totoo bang babalik si Rita Avila sa 'Walang Hanggan' pagkatapos umigi ng kanyang kalusugan? (Read more here). Photo via TFC God Father


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS