Cutie Boyband na K-Boyz From Cebu Pasok sa 'The X Factor Philippines' Bootcamp


Share




Kung ang Manila ay pambatong boyband sa 'The X Factor Philippines' meron din ang Cebu! Meet K-Boyz!!!

Kilala ang K-Boyz dahil bahagi sila ng isang local show doon ang 'Kapamilya, Mas Winner Ka!' At take note, may na-released na silang 2 singles sa Visaya ang Pisik' at 'Will This Night.'

Ang grupo ay binubuo nina Joseph Francis Zanoria Teves, Fidel Cascabel at Daryll Carillo.



Si Joseph ay isang Lasalista noong High School at sa college BS Nursing ang kinuha niya sa University of Cebu.


Si Fidel naman daw ang tinuturing na pinakgwapo sa grupo. Pinanganak noong May 2, 1993, si Fidel ay tinanghal na Mr. Guadalupe 2nd Runner up noong 2010 at sa parehas na taong din iyon ay sumali siya ng Sinulog Idol kung saan naging grand finalist siya. Naging Semi Finalist naman siya sa reality show ng TV5 na 'Star Factor.'


Si Daryll naman ay pinanganak noong August 26, 1987 at isang registered Nurse. Noong April 2008 siya nagtapos ng BS Nursing sa Asian College of Technology, kung saan nagtrabaho din sya.

Ang grupong K-Boyz ay isa sa mga Bootcampers ng 'The X Factor Philippines' matapos makapasa sa Visaya Live Auditions na ginanap sa Cebu.

Watch one of their performances:




Photos by K-Boyz (except for Photos 1 and 2)


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS