Charice, Tinulungan ni Cheesa sa 'The X Factor Philippines' - Judges' Homes Round


Share



Matapos ang ilang linggong taping ng 'The X Factor Philippines,' nasa USA na ngayon si Charice para sa kanyang commitments doon at para na rin tapusin ang kanyang US album.

Isa sa mga kanta sa kanyang album ay ang nakalaan para sa duet nila ng 21-year old 'The Voice 2 (US)' Semi-finalist na si Cheesa Laureta.

Pero bago pa sila nagsama sa song na i-rerecord nila ay nagsanib puwersa na ang dalawa sa "Judges' Homes" round ng 'The X Factor Philippines.' Last week nga ay nagtaping sila ng nasabing biggest and grandest reality singing competition sa bansa kung saan hinusgahan at minentor nila ang Top 5 ng team o category na napunta kay Charice. Mas lamang ang bilang na natirang contestants na sasabak sa "Live Shows" round.

Ang Top 20 contestants na nakapasa sa Bootcamp ang sasabak sa Judges' Homes. Ang Top 20 ay binubuo ng 5 girls, 5 boys, 5 groups, & 5 overs (soloist with age 25 & over). Sa round na ito ay hahatiin na sila base na rin sa apat kategorya at for thr fitst time malalaman na ng mga Judges ang kategorya o team na i-mementor nila. Di naman kailangan na sa actual ng bahay ng judge gawin ito maaaring lugar or resort na nirentahan ng producer/s.

Si Charice at ang kanyang team ang unang sumabak sa round na ito dahil nga kailangan niya pang bumalik sa US. Sa ngayon ay di ko pa pwede sabihin ang kategoryang napunta sa kanya. Babalik si Charice aa Pinas kapag nagsimula na ang Live Shows.

Matatandaang nabalita ko last week ang pagsisimula ng Judges' Homes.

Bukas na ang pagsisimula ng 'The X Factor Philippines.'

Photo by TrLa


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS