Angel Locsin & Billy Crawford, Kapamilya pa rin!


Share




Kapamilya pa rin sila Billy Crawford at Angel Locsin matapos silang pumirma muli sa Kapamilya network.

Few days ago, nag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN si Billy Crawford at masaya ito na gusto pa rin siya ng Kapamilya network.

Sa Lunes, April 30, lilipad siyang patungong France para i-promote ang kanyang latest album doon. Ilang buwan din siyang mawawala at masaya nga siya na sa kanyang pagbabalik ay open pa rin ang ABS-CBN sa kanya.

Inamin nito na magbabalik ang reality show na <'Pilipinas Got Talent' para sa 4th season nito.

Kaninang hapon naman muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN at Star Cinema si Angel Locsin.

Pawang mga malalaking proyekto ang naka-linya para sa maganda at napakagaling na aktres.

Sa TV, may teleserye siyang gagawin kung saan makakasama niya ang napakagandang si KC Concepcion. At sa pelikula mga bigateng artista mula sa Kapamilya at Kapuso networks ang makakatrabaho niya.

Una na ang pelikulang 'In Love We Trust' kung saan makakasama niya sina Dingdong Dantes at Aneglica. Next month na magsisimula ang shooting ng pelikulang ito.

Muli niyang makakapareha si Richard Gutierrez sa pelikula na i-poproduce ng Star Cinema at Regal Films. Kumpirmado din ang pelikula niya with Vhong Navarro at gayundin ang pelikula niya wih Toni Gonzaga, Angelica Panganiban, at Bea Alonzo.

Photo via @micodelrosario


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page

For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    April 28, 2012 at 1:32 PM | Permalink

    sana wag n si luis "babalu" manasanas yung host sa paparating na pgt, maiba lang

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS