Pinoy Group na KAYUMANGGI Pinabilib ang 3 Judges ng 'Canada's Got Talent'


Share



Hinde lang ang 'American Idol' Finalist na si Jessica Sanchez ang Pinoy na nagpapakitang-gilas sa mga hit reality shows ngayon sa North America.

Ang grupong Kayumanggi Philippine Performing Arts ang bagong pinag-uusapan ngayon sa internet matapos nilang mapabilib sa kanilang auditions ang 3 judges ng 'Canada's Got Talent'.

Proud na pinakita ng nasabing grupo ang kultura at galing ng mga Pinoy sa pagsayaw ng 'Singkil' na isang traditional Filipino dance. Namangha ang 3 hurado at ang live audience sa kanilang napanood dahil bago ito sa kanilang paningin at talaga namang magaling ang Pinoy group na Kayumanggi. Sa katunayan nga sa lahat ng pinalabas na mga acts sa 4th audition episode, ang performance ng Kayumanggi ang may pinakaraming hits sa YouTube.

Nakakatuwang isipin na kahit na nasa ibang bansa sila eh proud nilang pinapakita ang kanilang pagiging Pinoy. Isa ang grupong ito sa napakaraming dahilan kung bakit nakaka-proud maging Pinoy.

Heto panoorin ninyo ang kanilang bonggang performance!



May isa pang taga- Pilipinas ang nakapasok watch here


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    March 15, 2012 at 6:51 PM | Permalink

    They are good, really good!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS