Lyrics: 'Lipad ng Pangarap' by Angeline Quinto feat. Regine Velasquez


Share


Lipad ng Pangarap
by Angeline Quinto feat. Regine Velasquez

Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sayo'y hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap


At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Pag-unlad nitong bayang nililiyag
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag..

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi

Tutularan ka ng sunod na saling lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi

Ingatan mo ang lipad ng pangarap
Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
Na kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong... tagumpay...
Ang tamis na dulot ng iyong... tagumpay...
Iyong tagumpay...


Photo via Examiner

Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS