Girlfriend ni AJ Perez na si Steph Ayson, Isa sa mga Possible Teen Housemates?


Share



Dumating na nga ang takdang panahon para isa-isahin nating kilalanin ang mga "possible" Teen Housemates sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4.'

Ayon sa aking source, si Steph Ayson na girlfriend ng yumaong teen actor na si AJ Perez ay di umano'y isa sa mga possible teen housemates.

Dagdag pa ng aking source na ilang linggo pa lang daw nagsisimula ang 'PBB Unlimited' ay inimbitahan daw ito ng PBB na maging bahagi nga ng parating na Teen Edition. Siyempre di ito pumila sa mga auditions sa mall pero dadaan daw sa iba't-ibang screening.

Nang malaman ko ito, ang una ko agad naisip ay ang edad nito dahil hanggang 17 anyos lang ang pwede sumali. So almost 2 months ago, tinanong ko siya ng dalawang beses sa Twitter kung ilang taon na siya pero di ito sumagot. Ilang linggo after ng ikalawang tweet ko sa kanya, I asked my Twitter followers kung ano edad nito. Sumagot naman ang mga followers ko at lahat ng nag-replay ay 18 ang isinagot.

Kaya nang malaman ko na 18 na ito ay naisip ko na baka mali lang ang nabingwit na info ni source. Feeling ko rin kasi ay hinde mahilig sa kasikatan itong si Steph at di niya feel siguro ang sumali sa PBB. Pangatlo ko pang naisip ay di siguro papayag si Steph na sa ika-isang taon ng kamatayan ni AJ ay nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.

Pero malay natin, gamitan ng magic sarap ang edad at gawing 17 years old ito, kung paano tanungin ninyo na lang ang JaMich. At saka bongga ang istorya ng kanyang buhay. If ever, siya ang kauna-unahang Teen Housemate na nawalan ng kasintahan sa murang edad.

Kung isa nga siya sa mga Teen Housemates ay iyan ang aabangan natin sa mga susunod na linggo.

Kilalanin ang 2nd Possible Teen Housemate na si Nicholas "Kulas" Olaes click here

Photo via QuotedNews.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • gravatar asdfghBudhetqwerty
    April 10, 2012 at 12:00 AM | Permalink

    natawa naman ako dun sa tanungin ang JaMich 'teh. hahahaha.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS