Big Brother Di Nirerespeto ang mga Housemates?


Share



RESPETO! Iyan ang salitang isinisigaw ng mga supporters ng 'Pinoy Big Brother Unlimited'

Ngayong araw nga ay pinamunuan ni Big Utol (kapataid ni Big Brother) ang Bahay ni Kuya at pinabalik naman sa bahay ang 2 sa M6 na sila Baron at Beauty para maging Don at Donya.

Inutos ng Don at Donya ang mga sumusunod:

Hinalikan nga mga Housemates paa ni Beauty
Pinatahol si Seiichi
Pinakatay si Tin (manok) at lulutuin niya ito
Ginawng m*cho dancer si Carlo
Pinahiya si Slater

Watch the video here

Kaya lahat ng mga fans ng mga Housemates ay nagkaisa sa Twitter para i-trend #RespectPBB4housemates. Para lang sa ratings lahat ay gagawin? para lang sa 3 Million Pesos lahat ay gagawin?

Tao ang mga Housemates katulad din natin. Nanonood tayo ng TV para maaliw sa palagay ba nila nakakaaliw pa ba ang mga pinaggagawa sa kanila? Respeto naman diyan! Iyan ba tinuro ng mga schools na pinanggalingan ng mga staff ni Kuya? Kung UnliFriends talaga ang turing ninyo sa amin, sana pakinggan ninyo kami, kaming mga viewers na dahilan kung bakit kayo umeere. Yun lang po at maraming salamat!

Kayo ano opinyon ninyo?

Photo by PinoyBigBrother.com


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

17 Comments

  • gravatar Anonymous
    March 4, 2012 at 10:17 PM | Permalink

    Ang sama na ng pinaggagawa ng show!!!! Hindi na tama yan! O ngayon Big Brother, san mo ikukumpara yang mga pinapagawa mo sa real world? Hindi porket nakatira sila sa bahay mo e may karapatan ka ng gawin lahat skanila yang mga gusto mo. So anung gusto mong patunayan ngayon? Worst edition ever!

  • gravatar Anonymous
    March 4, 2012 at 11:14 PM | Permalink

    Over na. yung last week nga lang d na fair sa mga housemates ang naging strategy ng M5 tapos imbes na hangaan ni BB e yung housemates pa rin ang tingin nyang may dperensya.kahit anong gawin ng PBB d tlga fair sa housemates ang laban dahil nakatali sila sa house rules ni BB. yung M5 kahit maging violent sila wala lang sa kanila dahil di naman sila ma-eevict. d pa nga ako naka-move-on sa pagkatalo ng housemates last week may bago na naman na kamumuhian ko. ano ba big brother, dapat bang magpakasama ng housemates para lang masabing cla ang dapat na maging big winner? 2lad ni pamu na patweetums lang nung una.porket inilabas na nya ang tunay nyang kulay na walang magandang ugali e yun na ang dapat na mapasama sa big 4. si tin, kung d nya man kaya maging matapang wala na tayong magagawa. yun sya e. ang importante nagpakatotoo sya dahil from the start til now ay ganun pa rin sya.at pinananindigan nya pa rin na ayaw nya tlaga kay biggel at d sya nagpadala sa gusto ng PBB na mai-pair kay biggel para lang sa ratings.dapat sa ating mga viewers ang tingnan pa rin natin ay yung may magandang ugali.dahil yun ang dapat nating tularan at d yung mga salbahe.

  • gravatar Anonymous
    March 5, 2012 at 4:30 AM | Permalink

    And dami mong sinabing BisdakUSA at nagmamarunong ka. Bago ka magdadakdak dyan tanungin mo muna sarili mo. Pumunta ako once sa blog mo pero sobrang biased ka rin, may mga pinapaburan ka lang housemates at sinisiraan ang iba. Magcomment ang mga tao, binubura mo pag ayaw mo o kontra sa mga sinulat mo.

    At kung ayaw nyo na sa nakikita mo, WALANG PUMIPILIT SAYO NA NANOOD. Wag kang manood para walang reklamo! Kung hindi mo nakukuha ang flow ng programa, problema mo na yon. FYI, ang theme sa linggong ito ay "humility" o "pagpapakumbaba". Most the reamining housemates right now ay may mga kaya sa buhay o di man may mga prinsipyo sa buhay, tinitingnan ngayon ni BB kung kaya nilang magpakumbaba kahit hindi siya (BB) ang nag-uutos o sa mga taong (beauty and baron) ayaw nila. Bago ka magpost o magdadakdak dyan, pag-isipan mo muna ang maigi o guide mo ang subscribers mo para maliwanagan sa mga nangyayari at hindi puro reklamo na lang. PEACE!!!

  • gravatar Anonymous
    March 5, 2012 at 6:52 AM | Permalink

    mukhang staff ng pbb yung huling nagcomment ah. sabi nga, "may remote control nmn".. wow, andami tlaga matututunan ng mga tao sa "pagpapakumbaba" BS na yan. so anong lesson nun sa totoong buhay, tama yung mga ginagawang hazing ng mga fraternities o ang pagsunod sa mga diktador o ang magpabully kung kanino man?? kse pag hindi ka sumunod, hindi ka na marunong magpakumbaba, ganun ba yun? marami nmn ibang mas may sense na pwedeng ipagawang tasks kung humility din lang ang theme.

  • gravatar Anonymous
    March 5, 2012 at 12:04 PM | Permalink

    March 5, 2012 4:30 AM

    Wala ka bang malasakit sa kapwa mo?! Tanungin mo din sarili mo bago ka rin magcomment. And so what kung bias siya sa ibang housemate sa ibang blog niya. Ang issue kasi dito e hindi naman yun, kundi ung hindi makataong pinapagawa ni BB. Madaming paraan para makita yung humility ng isang tao, hindi yung pahahalikan mo yung paa!! Pag ba hinalikan mo yung paa ng isang tao ibig sbhin nagpakumbaba ka na?

  • gravatar Anonymous
    March 5, 2012 at 12:25 PM | Permalink

    alam ko si BisdakUSA ka rin, lol. bakit pa nagtatago, lol. anong pinagsasabi mong malasakit? sige tulungan mo sila sa loob ng bahay ni kuya. hahahaha! Ano ngang paraan na yon? susmeyo ni isa walang masabi. See inamin mo rin na bias ka, lol. wag ka na manood, baka ma high blood ka lang lol.

  • gravatar Anonymous
    March 5, 2012 at 1:15 PM | Permalink

    kahit ano pa sabihin ng isang tao jan. hndi mo na mababago ang opinyon ng mga tao. ginagago kc nila ang mga HMs eh. syempre may sukdulan ang lahat. last week hndi na mkatao yun pro pinalagpas namin. ngaun hindi na! kaya ikaw kung sino ka mang staff ng pbb, cge mag-ikot ka pa sa lahat ng blog at ipagtanggol mo ang mga pautot nyong task! btw, hndi aq ang ka debate mo. baka akalain mo iisang tao lang.

  • gravatar Anonymous
    March 5, 2012 at 4:58 PM | Permalink

    Gusto ko yung Pinakatay si Tin. Hahahaha! :D

  • gravatar Anonymous
    March 5, 2012 at 7:17 PM | Permalink

    Unang una naiintindihan mo ba ang salitang Humility? Ibig sabihin "hindi hambog" or humble sa madaling salita. Makatao ba yung pinapagawa ng PBB sa mga HMs? Hindi humility ang matututunan nila diyan, dahil unang una wala sila sa position para magkaroon ng humility sa mga punagsisilbihan nila. You should have something to be humble of to start with. E sa sitwasyon ng mga housemates sa loob ng bahay, ano pa ba ang ipagmamayabang nila. Ang character na pinapalabas sa mga HMs ay hindi Humility kundi Temperance! Na sa kabila ng ginagawang pagtapak sa kanilang pagkatao, nagagawa pa din nilang mag timpi at mag tiis para lang sa kung ano man ang pwede nilang mapanalunan sa huli. Hinihingan mo yung ibang nag cocomment dito ng isang halimbawa ng task para mapakita ang humility ng mga HMs, in the first place, kailangan ba? Hindi pa ba sapat ang napakaraming camera para mahusgahan sila ng mga manonood? Ikaw na rin mismo nagsabi na karamihan sa mga HMs nakakaangat sa buhay, pero nakita mo ba o napanood mo ba silang nagyayabang o naging hambog? Aminin na natin na maling mali talaga ang M5 task na gibawa ng staff ng PBB. Hindi ko alam kung anong nakain nila o kung baka naman ay may masalimuot silang pinagdadaanan kung kayat ganyan kababaw ang task na nafoformulate nila na inapruba naman ng isang hangaw na direktor. Ang totoong pagkatao ay hindi bunga ng poot, galit, at pangamba, hindi iyon sapat para mahusgahan sila. Hindi nga pala ako yung blogger na kinaiinisan mo, pinapaalala ko lang, inunahan na kita. Goodluck sa pananaw mo, mag simba ka next week.

  • gravatar Anonymous
    March 5, 2012 at 7:38 PM | Permalink

    Oo nga naman po, bakit pa nanonood kung apektado na sila. Ako pag ayaw sa nakikita lalo na sa idolo ko, switch channel na lang para hindi bitter. Bitterness lang po yan.

  • gravatar Anonymous
    March 5, 2012 at 8:04 PM | Permalink

    Irequest nyo na lang sa PBB staff na tanggalin na nila ang houserule o sunugin ang rule book para makabwelo ang HM nang sa ganon makita tlaga natin kung ano ang kaya nilang gawin sa mga nakakairitang kasabwat ni kuya. Tapos ang usapan.d na kailangan pahabain ang show.Mas gusto ko kung walang House rules...baka sakaling magkaroon nga bakbakan...hehehe...d ako yung unang ngcomment ha.

  • gravatar Anonymous
    March 6, 2012 at 12:15 AM | Permalink

    mga hunghang.HINDI BOBO SI KUYA para magpagawa ng ganyan at lahat ng bagay may dahilan hindi yung naging big winner ka na lang ng basta basta.saka tong blogger na to porket nahalatang BIAS eh nagkukunwari ng GUSTO NIYA SI PACO kahit sobrang AYAW niya naman sa kanya at kay SLATER,DIVINE AT CARLO ang mga manok niya.oy blogger kung sino ka man wag mong BURAHIN TONG POST KO NA ITO KUNG MATAPANG KA.sabihin mo tong post mo na ito SA HARAP NI KUYA HAHANGA AKO SAYO HINDI YUNG PURO KA LANG BLOG AT PINDOT SA KEYBOARD MO AT PAKIELAM NG PAKIELAM.ANO KAYA MO?

  • gravatar Anonymous
    March 6, 2012 at 12:20 AM | Permalink

    scripted ba ang pbb?kasi laging may totoong buhay o real life na sinasabi ang mga hm ano yun scripted nga at di totoo ang pbb?naguguluhan ako.pati host may sinsabi ring real life.and i noticed all of the remaining hm are the originals including paco and seichi the 5 out the top 14 hm are batch 2 of this edition so parang lahat ng batch 2 eh naging saling kitket lang.

  • gravatar Anonymous
    March 6, 2012 at 12:38 AM | Permalink

    SI TIN DAW NAGPAPAKATOTOO ASA KA PA.SINCE FROM D START DAW EH AYAW NIYA KAY BIGGEL EH BAKIT NONG ICE CREAM DAYS PARANG LIKE NIYA SI BIGGEL TAPOS MAY ISANG TASK SI BIGGEL NA PAG NAGAWA NIYA SI TIN MISMO ANG NAG SABI NA MAY E-KIKISS NIYA DAW SI BIGGEL.ANO PLAYING SAFE YAN SI TIN.ANO IBIG SABIHIN NON DATI GUSTO RIN NI TIN MAG KA LUV TEAA DATI.

  • gravatar Anonymous
    March 6, 2012 at 8:56 AM | Permalink

    Bakit nga ba isinali pa pagpahalik sa paa ni Beauty ? Sabagay ,mukha ng politika sa pinas yan. Iniba lang sitwasyon.

  • gravatar Anonymous
    March 6, 2012 at 11:00 PM | Permalink

    Ginawang teleserye ang PBB. Desperate moves. Tsk

  • gravatar Anonymous
    March 8, 2012 at 2:36 AM | Permalink

    Dbale sanang teleserye yan kung may sweldo...ang kaso wala naman, tzka sana d sila na sasaktan ng mga salitang masasakit..e ang kaso nasasaktan sila...tulad nating manunuod, nasasaktan tayo sa napapanuod natin.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS