Bakit PATAS ang Wild Card Twist ng 'PBB Unlimited'?


Share



Noong March 3 pinost ko sa blog ang isang entry na nagtatanong kuyng dapat bang maging official Housemate ulit si House Player Paco (mababasa rito).

At kagabi nga sa live eviction episode ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' na may isang Housemate ang bibigyan ng Second Chance.

Marami ang nagagalt sa twist na ito ni Chaka Khan este ni Big Brother pero para sa akin patas naman ito kasi nagawa ito sa mga naunang seasons ng PBB. Ilang Housemates na nga dati ang nagbalik-bahay, andyan sina Jenny (PBB1), Wendy & Kian (PBB2) & Gab (PBB Celebrity Edition 2).

Para sa akin patas ito dahil alam ninyo ba na ayon sa Big Brother rule ang sino mang Housemate ang na-evict o nag-quit at nagbabalik-bahay at maging Big Winner (o Big 4) ay di na niya makukuha ng buo ang kan yang premyong napalunan.

So kunwari mayroong 100 days ang isang season, at kunwari si Wild Card Housemate ay nanatili sa bahay sa loob ng 60 days, ibig sabihin 60% lang ng premyo niya ang makukuha niya (all prizes are converted into cash). So di ba patas yun?

Gaya ng palagi kong tinutweet (mula pa noong magkaroon ng Yes/No voting) at sinusulat ko sa blog ay sa tingin si Paco ang bibigyan ng second chance. Remember ang premyong 30,000 Pesos ay para lamang sa una niyang linggo bilang House Player at wala ng sinabi kung ano ang magiging premyo niya after magdesisyon kuno ang taong bayan na manatili syang House Player. So baka premyo ito ni Paco dahil sa pagtatagumpay bilang House Player.

Nakakainis man ang nagawa niya ang punto doon ay nagawa at nalaro niya maigi ang pagiging House Player at Housemate niya kaya may K naman siya maging official housemate ulit at saka di pa siya nakakabalik sa outside world. Yun nga lang alam niya kung sinu-sino ang mga nagnomina sa kanya.

Mag-big jump kaya siya sa BIG 4? yan ang dapat abangan!

Photo by @TropangPacoKSA


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

13 Comments

  • gravatar Anonymous
    March 11, 2012 at 9:29 PM | Permalink

    ABA dapat lang PACO DESERVED IT!!!

    GO PACO!!

  • gravatar Anonymous
    March 11, 2012 at 9:45 PM | Permalink

    ibalik c paco!! :)

  • gravatar Anonymous
    March 11, 2012 at 11:55 PM | Permalink

    unfair na man yun !!!!!!!!!! kung housemate pa talaga sya siguradong lagi naman syang nominate eh!!!! hindi sya!!!!!!!!!!!!!!!! di nya deserve!!!!!!!!!!!!! kahit sinong house player kayang gawin yung ginagawa nya!!!!!!! ITS A BIG UNFAIR KUNG MAGIGING HOUSEMATE SYA ULIT!!!!!!!!!

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2012 at 12:01 AM | Permalink

    sobrang unfair if ibabalik si paco...nagawa nya ng mga house player task nya dahil alam nya na he has nothing to lose dahil evicted na sya..unfair talaga

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2012 at 1:33 AM | Permalink

    unfair tlga un pag si paco ung bibigyan ng chance. it was a task that he accepted to be a houseplayer kaya lang niya nagawa ng lahat ng yon. kahit sino pwede gawin yun kanya kanyang diskarte lang yan. sa tingin niyo ba if hindi siya houseplayer e ipapakita rin niya ung tunay niyang kulay? ang lamang lang naman ni paco sa task niya is malapit sa pagkatao niya ung kailangan niyang gampanang role sa ibat ibang task bilang house player. at lugi ung mga ibang housemates na tlgang naevict na sa bahay ni kuya. si paco may airtime kaya matatandaan tlga siya ng mga boboto.. kung iiwan sa taong bayan yang second chance na yan ha.. pero for sure imamanipulate ulit yan ng big brother para si paco ang makapasok sa big 4.

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2012 at 2:05 AM | Permalink

    theres no question kung fair ba ang wildcard o hindi, kasama yan sa rulebook so ibig sabihin kasama din yan sa laro ng PBB. nagawa na dati at pwede ulit gawin ngayon..

    ang hindi patas ay bakit sa iisang tao lang ibibigay ang PAGKAKATAON para magkaroon ng SECOND CHANCE??? as much as aware na ang mga evicted HM sa outside world ay ganun din si PACO na may information na rin nakuha kay BB tungkol sa outside world dahil sa pagiging houseplayer niya.

    again, everybody deserves a second chance, the question is how many will be given the OPPURTUNITY to fight for this second chance? im hoping that its not for one person only.

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2012 at 9:58 AM | Permalink

    ibalik na lang ang mga exhousemate ng PBB Unlimited para fair.

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2012 at 5:02 PM | Permalink

    tama ka dyan. ibalik silang lahat bahala sila magrambulan o kanya-kanyang diskarte para magustuhan ng taong bayan.hehehe.

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2012 at 5:10 PM | Permalink

    unfair naman kung si Paco ang bibigyan ng second chance kasi marami na syang alam about nomination.dapat noon pa rin sya ibinalik hindi yung kung kelan 6 na lang ang official housemates at malapit na ang big night. unfair yon. kahit anong galing nya sa binigay sa kanyang role eh unfair pa rin yon sa ibang ex-housemates. UNFAIR. tama lang na magbigay ng 2nd chance pero d na pwede kay paco at di na pwede ngayon. dapat noon pa.

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2012 at 5:22 PM | Permalink

    go paco!

  • gravatar Anonymous
    March 12, 2012 at 5:30 PM | Permalink

    f meron man .. c ETING dapat ibalik.. dahil mali, hindi yung hauzm8s bumot sa kanya para ma nominate.. kundi c paco- isang houseplayer lang.. at hindi na hauzm8.. tsk3

  • gravatar Anonymous
    March 13, 2012 at 12:13 PM | Permalink

    tama... pwede rin pati c jerico at steph para patas sa lahat.

  • gravatar Anonymous
    March 17, 2012 at 2:52 PM | Permalink

    bakit sa tingin nyo ba may iba pang housemates ang makakagawa ng mga ginawa ni paco? nakita un ng mga taga big brother kaya nasayangan sila at binigyan pa sya ng isang chance, saka sa tingin ko sa lahat ng PBB editions eh si Paco ang pinaka interesado/madiskarteng housemate kitang kita naman sa mga pinamalas nya sa loob ng bahay ni kuya.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS