MIB! Melason Is Back sa Bahay ni Kuya?


Share



Hinde ko napanood ang di umano'y MIB plug ng 'Pinoy Big Brother UnliNight' kagabi kung saan may mga dating Housemate ang babalik sa Bahay ni Kuya sa loob ng isang linggo at may dalang owver na owver na kasiyahan.

Marami ang nag-isip na ang ibig sabihin ng MIB ay Melai is Back pero ayon sa pagkakaalam ng kaibigan at dating co-housemate ('PBB Double Up') ni Melai na si Rica Paras (@iheartricaparas) ay kasama ni Melai si Jason na magbabalik- bahay. So Melason is Back pala ang ibig sabihin ng MIB.

May kinalaman kaya ang MIB sa di umano'y ma-eevict mamaya sa Bahay ni Kuya? May kinalaman kaya sa MIB ang biglaang pagbalik sa Pilipinas ni Paul Jake?

Sa ngayon ay napapabalitang hiwalay na sila Melai at Jason so may kinalaman kaya ito sa muling pagtira nila sa PBB House para ayusin ang naging problema nila. Sa PBB din naman kasi sila nag-umpisa at naging magkasintahan.

Abangan mamaya ang buong kasagutan sa 'Pinoy Big Brother Unlimited'

Photo by Rica Paras


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    February 18, 2012 at 7:33 PM | Permalink

    trending po ang Melason is Back , worldwide and nationwide.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS